Prinsesa Arolf
Umaalingawngaw ang mga sigawan ng bawat karo sa buong kaharian. Kanilang isinisigaw ang kanilang opinyon, at napiling kaparusahan para sa nasasakdal. Iba-iba man ng mga sinabi ngunit sa isang dahilan nagkasundo ang mga Pristes at Kawal.Nakapag-isip na si Reyna Tora ng dapat iparusa kay Mortisya. Ngunit bago niya ito banggitin ay sa mga mata nila Waywaya ay siya'y tumingin.
Ang kaniyang mga mata ay mistulang humihingi ng pasensya sa kanila, ngunit dahil siya nga ang Reyna.. Kailangan niya itong gampanan at panindigan.
"Goma Rapiskalto! Ninyente mor ti demebuse.. adile porde. Koron, hapa simotali bwa nosipaso. (Makinig kayong lahat! Nakapagdesisyon na ako sa kung ano.. ang aking desisyon. Ang kaparusahan ko sa kaniya ay, Koron)"
Kahit si Reyna Tora mismo ay hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Paano at kailangan siya natuto ng lenggwahe sa Heratalya?
Mas nakumbinse nito si Roman na ang babae na nasa kaniyang harapan, ay ang Reyna.. Ang kaniyang Kamahalan. Ngunit hindi din makapaniwala si Waywaya, Elmira, Prisla at Pelisidad sa kanilang narinig. Ngayon lamang nagsalita ng ganito si Reyna Tora..
Halos tumigil sa pag-galaw ang lahat, dahil ngayon ay narinig nila ang unang utos ng Reyna. Parusahan at ipatapon sa mundo ng mga tao si Mortisya. Kaya hinawakan ng mga kawal ang nasasakdal at nagsisisigaw ang kaniyang mga kaibigan.
"Mahal na Reyna! Pakiusap.. Huwag niyo itong gawin kay Pristes Mortisya. Kilala ko siya, hindi niya iyon magagawa sa iyo" pagmamakaawa ni Waywaya. Ngunit buo na ang desisyon ni Reyna Tora. Lumuhod sa kaniyang harapan si Prisila.. at inawat siya ni Armando. Kahit masakit din ito para sa Reyna ay wala siyang magagawa.. Nagkasala si Pristes Mortisya, nagkasala ang isang inosente.
Dahil ang hindi alam ng lahat ay isa ngang inosente si Pristes Mortisya. Walang nakakaalam na siya lamang ay isang biktima, minapula at kinontrol ng masamang kaluluwa.
Ang kaluluwa ni Konswelo, na hanggang ngayon ay hindi tanggap ang kaniyang pagkatalo.Nais pa din niyang mapasakanya ang buong Heratalya, at nagtagumpay ang pangalawang plano niya. Hindi man umubra si Ismael kay Reyna Tora, ay nabitag naman niya si Pristes Mortisya.
Dahil kung hindi siya susunod ay papatayin ni Konswelo sila Elmira, Prisila at Pelisidad. Mas piniling harapin ni Pristes Mortisya ang kaparusahan na ipinataw sa kaniya, kahit kapalit pa nito ang kaniyang inoseteng kaluluwa.
Tumitig si Reyna Tora sa mga ni Pristes Mortisya.. Sa kaniya lamang nakapokus ang mga mata niya, at sa hindi malamang dahilan ay tuluyang tumigil sa pag-galaw ang lahat. Nag mistulang mga istatuwa.. Lahat sila ay hindi na gumagalaw maliban kay Mortisya..
Kahit naguguluhan si Reyna Tora ay nagkaroon siya ng panahon upang makausap si Mortisya ng mag-isa.
"Mortisya.. Mapatawad mo sana ako sa gagawin ko, pero kapag hindi ko ito ginawa ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Parang hinayaan ko nalang na gamitin lang ako, alam ko na sa lahat ng mga nangyayari..ang may kasalanan ay si Konswelo. Sana mapatawad mo ako.." mensahe ng Reyna kay Mortisya.
Habang nakatingala si Mortisya sa patyo at nakaluhod sa harap ng Reyna ay tumulo muli ang mga luha niya.
"Huwag.. Huwag kang humingi ng kapatawaran sa akin Kamahalan. Ako nga ang may kasalanan! Si Konswelo ay galing sa aking angkan! Oo at pinili ko na ika'y lokohin, kaya maluwag sa aking puso na tanggapin ang parusa na iyong ipinataw" tugon ni Mortisya."Huwag kang mag-alala Mortisya.. Parusa man para sa iba pero iibahin ko ang takbo ng buhay mo. Oo at itatapon ka ng mga Kawal sa mundo ng mga tao, pero hindi bilang isang makasalanan.
Kaibigan kita, kaya kahit mahirap sakin ay papatawarin kita.
Sa iyong paglalakbay ay muli kang ipapanganak bilang isang tao. Mamumuhay ka na malayo sa kinagasnang buhay mo.. Ikaw na ngayon ang magsusulat ng kapalaran mo, huwag mo sanang sayangin ang pagkakataon na ibibigay ko sayo" ito ang utos ng Reyna..
![](https://img.wattpad.com/cover/96561781-288-k314464.jpg)
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...