Ang Pag-ibig Ng Isang Kawal
Nagpahinga na nga muna si Reyna Tora sa pagbabasa ng libro. Ngunit sa kaniyang muling pagkagising ay hindi na ito nagdalawang isip na ipagpatuloy ang kaniyang pagbabasa, ang muling pagtuklas sa mga pangyayari sa nakaraan.Ang ika-walong kabanata ng libro ay naglalaman ito tungkol sa mga ginawa ni Roman upang mapatunayan nito ang kaniyang pag-ibig sa Reyna.
Kaya mas lalong naintriga si Reyna Tora na simulan na ang pagbabasa nito.
Sa gitna ng tahimik na gabi ay natapos na muli ng Reyna ang kaniyang akda. Sa loob ng isang buwan ay nakakagawa siya ng mahigit sa sampung mga libro. Isinusulat niya dito ang kapalaran ng lahat, tungkol sa kanilang magiging istorya at kung paano matatapos ang buhay nila.
Kahit karamihan sa mga isinusulat ng Reyna ay tungkol sa mga Pristes at Kawal ay nakakaisip din siya ng mga magagandang istorya. Ngayon ay tinatapos niya ang istorya tungkol sa mag-asawa, Ang lalaki ay ang Araw at ang babae naman ay ang Buwan.. Samantalang ang mga bituin ang kanilang mga anak.
Napansin ng Reyna na karamihan sa kaniyang mga libro ay kulay luntian, bughaw at lila. Ang mga kulay na ang ibig sabihin ay takot, kalungkutan at galit..
Dahil hindi alam ng Reyna kung paano sumulat ng istorya na mayroong masayang katapusan, sa kadahilanang hindi siya makaramdam.
Ngunit sa unang pagkakataon ay gumawa si Reyna Tora ng isang libro na kulay kayumanggi. Ito ang kaniyang ginawang aklat talaarawan.. Ginawan din niya ang dalawang Pristes na si Senada at Mawrin. Ganoon din ang kaniyang asawa.
Inutusan ng Reyna na isulat sa kanilang libro ang mga pangyayari sa kanilang buhay. Dito nila maaaring isulat ang mga hinanakit o sikreto na hindi nila masabi sa iba.. at ganito din ang ginawa ng Reyna.
Mag-isa sa kaniyang silid ay sinimulan niyang magsulat sa libro. Ngunit tinanong niya ang kaniyang sarili kung ano naman ang isusulat niya dito, wala naman siyang pakiramdam at hirap ng buhay ay walang alam. Kahit nahihirapan ay nagsulat na si Reyna Tora.. Hindi niya namamalayan na tungkol sa isang lalaki ang nilalaman ng unang pahina na kaniyang isinulat.
Tungkol ito sa unang at pangalawang pag-uusap nila ng isang Kawal na si Roman..
Nagtataka ang Reyna kung bakit hindi mawala sa isipan niya si Roman, kaya nagpahinga muna ito at tumayo sa harap ng kaniyang bintana.
Sa kalayuan ay nakita niya si Roman na kasama si Lusyano. Nag-usap at mukhang nagtatawanan, agad naman napansin ito ni Lusyano at itinuro kay Roman na nakatingin sa kanila ang Reyna. Nginitian ito ni Roman ay kumaway siya, ngunit hindi ito pinansin ng Reyna at nagtago siya.
Bago ang nararamdaman ni Reyna Tora, hindi niya maintindihan kung bakit siya kinabahan nang makita si Roman. Na emosyon na kahit kailan ay hindi niya naramdaman kay Haring Ramon.
Ipinagpatuloy ni Reyna Tora ang pagsusulat sa libro na kulay kayumanggi. Isinulat niya ang lahat ng mga sinabi at ginawa ni Roman, mula sa paghawak nito sa kaniyang braso.. Hanggang sa pag-bigay ng isang pulseras. Hindi man makaramdam ng kasiyahan ang Reyna, ngunit magaan ang kaniyang pakiramdam. Wala na siyang balak alamin ang tunay na dahilan kung bakit siya kinabahan, ang nais lamang niya at muling makita si Roman.
Kinabukasan ay ipinatawag ng Reyna si Lusyano sa mga kawal. At nang dumating ito ay yumuko siya agad sa harap ng Reyna upang magbigay pugay.
"Kamahalan, wala akong karapatan na muling tumapak pa dito sa loob ng Palasyo. Ngunit mas wala akong karapatan na tumanggi sa iyos ipinag-uutos.. Ano ang iyong nais ipagawa sa akin?" tanong ni Lusyano kaya lumapit ang Reyna, at iniabot ang isang papel na nakatali gamit ang kulay pula na laso. Tinanong ni Lusyano kung ano ito at para kanino.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasía"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...