Si Luna Amora
Nagpatuloy buong gabi ang pag-ulan ng niyebe. Hindi din ako makatulog sa sobrang lamig, malapit naman sa kusina natulog si Ismael at si Waywaya sa silid niya. Inayos na nga ni Ismael yung silid niya para sakin pero nilalamig parin ako..Binuksan ko yung bintana at nagyeyelo na nga sa labas, nang biglang may kumatok sa pintuan.
Pagbukas ko ay si Ismael lang pala."Heto, gamitin mo para mainitan ka ngayong gabi" inabot sakin ni Ismael yung kumot na ginagamit niya.
"Eh pano ka? Mas malamig kaya dyan sa sala, baka magkasakit ka" sagot ko naman."Hindi ha.. Mas masakit isipin noong inakala ko na hindi na kita muling makikita. Madami nga ang namamatay sa maling akala, dahil para akong pinapatay sa aking paghihintay"
Ito nanaman yung puso ko, tumitibok tibok ng sobrang bilis. Ganito rin yung nararamdaman ko kapag si Nathaniel ang kasama ko. Bakit ganito?Sinabihan ako ni Ismael na matulog na dahil bukas ng umaga ay matutunaw narin ang mga niyebe.
Dahil ang kasunod ng malamig na gabi ay ang naglalagablab na araw.
Bago ako humiga ay binuklat ko ulit yung libro ko, buti pa yung libro ko may Gasuklay na simbolo..pero sa kalangitan ay wala.Wala parin bagong update ng mga kabanata sa libro, ang dami nang nangyari sakin pero hindi nadadagdagan.
Akala ko ba istorya ito ng buhay ko? Bakit wala parin nakasulat?
Kinaumagahan ay naririnig ko na maraming nagkukumpulan sa labas. Halos lahat ng mga Pristes nasa labas ay nagtataka kung bakit hindi parin natutunaw yung mga niyebe.
Binuksan ko ulit yung bintana ay oo nga, nagyeyelo parin ang paligid.. Pero sa hindi kalayuan sa tabi ng puno ay may nakita akong itim na usok.
Nawala din naman agad kaya lumabas na ako, at wala si Waywaya sa kwarto niya pati narin si Ismael.
Pagsilip ko naman sa pintuan ay nasa labas sila Waywaya at Ismael. Agad akong lumapit sa kanila at lahat ng mga Pristes ay tumingin sakin.Naaalala ko kung sino yung mga ilan sa kanila, sila din yung mga Pristes na kasama ng mga kawal. At lahat sila ay galit sakin dahil isa akong tao.
At nang tumapak ang mga paa ko sa niyebe ay bigla itong natunaw. Ang mga niyebe sa paligid ay unti-unting natunaw.. Hindi na naninigas ang mga sanga ng puno at napuno ng tubig ang buong paligid. Nagulat ang lahat sa nangyari, mas lalo naman ako.
"Ikaw ay isang sumpa!" malakas na sigaw ng isang Pristes. "Ismael! Bakit mo hinayaang bumalik ang babaeng iyan dito sa bayan?! Nakalimutan mo ba na isa siyang tao?!" tanong ng isang Pristes kay Ismael.
Kaya pinagtanggol ako ni Ismael sa mga Pristes at sinabing wala akong ginagawang masama. Pero pinagpipilitan nila na ako daw ang may gawa ng lahat. Simula nang bumalik ako sa mundo ko ay paiba-iba ang klima sa Heratalya. Tuwing umuulan ng niyebe ay lahat sila'y nangangamba, at patunay na ako ang may dahilan ng lahat.
Dahil ngayong nagbabalik na ako ay muling matutunaw ang mga yelo.. pero hindi naman talaga ako ang may gawa ng ito.
Hindi ako ang nagpapabago sa klima nyo!
Huwag ko na daw subukan pang pumasok sa kubo nila Waywaya dahil susunugin nila ito, at tinangka naman nila akong saktan pero humarang si Waywaya sakin. At siya ang nasugatan..
Ayoko nang may nasasaktan dahil sakin.
Hinawakan naman ni Waywaya ang mga kamay ko at sinabing pumasok na sa loob, huwag ko nalang daw silang pansinin. Nagtawag ang ilan sa kanila ng mga Kamay para ako aydakipin.
Pero patuloy parin sa paglapit ang mga Pristes sakin at gusto akong saktan. Biglang hinugot ni Ismael ang espada na nakatali sa bewang niya.
"Kapag siya ay inyong sinaktan, ang mga Kawal ay sugatan na kayong maaabutan!" sigaw ni Ismael sa mga Pristes habang nakatutok sa kanila ang espada. Hinihila naman ako Waywaya papasok sa kubo pero hindi ko hahayaan na may masaktan si Ismael ng dahil sakin. Binitawan ko ang kamay ni Waywaya at tumakbo papalayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/96561781-288-k314464.jpg)
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasía"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...