Ang Perpektong Araw
Linggo ng umaga at may kumatok sa pinto, ang text sakin ni Nathan ay mga 10am siya pupunta. Siya na siguro ito..Nagmadali pa akong buksan ito at nagulat ako dahil si Fabio ay nandito. Pagod siya at hingal na hingal dahil nagmamadali siyang puntahan ako at traffic pa. Nagmamakaawa siyang puntahan ko na daw agad ngayon si Arolf dahil nahihirapan yung bagong mag-aalaga sa kaniya..
Halos hindi na siya naglalaro at kumakain, kaya nag-aalala na siya.
"Please Tora.. Please help me, I just don't know what to do anymore. I'm really worried about Arolf and ayoko nang mag-alala din sila Kuya Jhann, I really need you right now" at mukhang naiiyak na si Fabio kaya hinawakan ko siya sa balikat niya. "Huwag ka na din mag-alala, ako na muna bahala kay Arolf. Sige tutulungan kita" at tinapik ko ang balikat niya para kumalma naman siya.
"I need you right now? Huwag na siyang mag-alala? Bakit ikaw na bahala kay Arolf at saan mo tutulungan si Fabio?" nagulat ako dahil dumating na pala si Nathan, hindi ko napansin at narinig niya siguro ang pinag-usapan namin.
"Ano 'to Tora? Ha? Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Ganito na ba kayo kaclose?" sunod-sunod na mga tanong sakin ni Nathan at kaya tumayo agad ako. "Teka Nathan.. Sandali ipapaliwanag ko ang lahat sayo-" hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Nathan.
"Bakit kapa magpapaliwanag? Narinig ko na lahat, na itong si Fabio ay kapatid yung papa ni Arolf. Yung batang inaalagaan mo di ba? Siya ba ang dahilan kung bakit ka umalis doon? Ginugulo kaba ni Fabio ha?!" nataranta ako sa sigaw ni Nathan at hindi magandan ang mga tingin niya kay Fabio.
"Wait a minute dude.. What are you talking about? I don't understand" sagot naman ni Fabio at lumapit sa kaniya si Nathan pero pumagitna ako sa kanila. "Wag mo nga ako ini-english english dyan! Hindi mo maintindihan? Ako din eh.. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito sinabi sakin ni Toradel pero ngayon alam ko na. Mukhang ikaw ang dahilan! Ano? Tigilan mo na kasi siya!" sigaw ni Nathan pero mukhang nalilito si Fabio at tinanong ang ibig sabihin nito.
"Ano ba?! Tinulungan kana ni Toradel para makahanap ka ng trabaho.. Ngayon may trabaho kana kaya sana tigilan mo na siya. Napalayo siya ngayon sa batang inaalagaan niya, na sigurado akong mahal na mahal na niya pero anong ginawa mo?! Sigurado ako na ginugulo mo talaga si Tora dahil may gusto ka sa kaniya!" hindi ko na napigilan kaya hinila ko si Nathan papalayo.
"Ano ba Nathaniel? Hindi ako umalis dahil kay Fabio, wala siyang kinalaman sa ginawa ko dahil iyon ang desisyon ko.. Hindi ko na na sinabi sayo kasi alam ko na, na yan ang iisipin mo." hindi naman ako makapaniwala na sinabi ko yun at nanlakibang mga mata ni Nathan.
"Ano ba sa tingin mo ang iisipin ko? Na may gusto sayo to si Fabio? Ha? Ano Tora?" hindi na ako nakasagot sa mga tanong ni Nathan at napapikit nalang.
"Yes I like her, but I'm not the reason why she left Arolf.. and I hate myself for even thinking na sana bumalik siya, dahil.. Gusto ko siya" napadilat ako at nagulat sa mga sinabi ni Fabio.
Totoo ba yung mga narinig ko?
Gusto ako ni Fabricio?!
Hindi na napigilan ni Nathan ang emosyon niya at hindi ko na din siya napigilan kaya nasuntok niya si Fabio. Nagpupumilit naman akong pigilan siya pero masyado siyang malakas, at hindi naman gumaganti si Fabio. Kaya hinila ko nalang ang damit ni Nathan para malayo kahit papaano.
"Oh tama ako di ba?! May gusto nga sayo yang lalaking yan! Ano ba Toradel? Bakit hindi nakinig sakin?" nagtaka naman ako sa tanong ni Nathan kaya binitawan ko siya.
"Bakit Nathaniel? Wala ka bang tiwala sakin? Hindi kaba naniniwala na mahal kita?" mahinang tanong ko sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/96561781-288-k314464.jpg)
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...