☽ Kabanata XI ☾

228 80 24
                                    

Bakit Nag-iba Ang Hari?


Muling nabago ang mga nakasulat sa libro

Ang Hari, siya ang magiging una't huling halik ng Reyna.
At sa kaniyang unang halik ay tumila ang malakas na ulan. Napalitan ito ng pag-ulan ng niyebe.
Ngunit hindi ito nagtagal.

Tuluyan nang naputol pansamantala ang sumpa.
Ngayong taon ay wala nang Pristes o Kawal ang babawian ng kaluluwa.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na lumabas muli ang Bughaw na Buwan, Panibagong pag-asa at pagkakataon para sa pangkalahatan.

(Mga pananaw ni Toradel)

Pagkagising ko ay natanaw ko sa dulo ng kuweba ang lagusan, mukha may araw na sa labas.
Hindi na ba natuloy ang pag-ulan ng niyebe?

Nakasandal parin ako sa dulo ng kuwebe at bigla kong napagtanto na nakatulog ako kagabi.
Nakatulog ako kagabi.. kasama ang Hari?

Dahan-dahan akong gumalaw at pagkalingon sa tabi ko ay katabi ko mismo ang Hari. Nakatulog ata ako at ginawang unan yung balikat niya! Naku!

Nakaupo kami parehas at nakasandal pero nanatili parin siyang tulog. Eto nanaman ako, hindi maiwasan na mapatitig sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang nakita ko na naka akbay sakin ang Hari at yung isang kamay niya ay hawak yung kaliwang kamay ko.
Patay na.. Paano ako makakagalaw nito?

Pati paghinga at pag-iisip ng maayos ay di ko na magawa. Nakakahiya nakatulog ako sa tabi ng Hari.

Pero teka! Di ba dapat siya yung mahiya sakin?

Hinalikan niya ako ng walang paalam! Ano ganun ganun nalang yun? t-teka.. Hinalikan niya ako...

Hinalikan niya ako..

Hinalikan niya ako?

Hinalikan niya ako!

Paano na to? Bakit? Bakit niya ginawa yun? Bakit nangyari yun?

Hinalikan niya ako. Hinalikan ako ng Hari! Hindi maaari!

Huminga ako ng malalim at nagpokus. Nakita ko na may maliliit na bato malapit sakin, kaya gamit yung paa ko ay sinisipa ko papunta sakin yung mga bato.

Pinipilit kong abutin at nang makakuha ako ng isa ay agad kong binato sa malayo para makagawa ng ingay. Pero wala ata narinig yung Hari at mas lalo lang humigpit yung pag-akbay niya sakin.

Kaya kumuha pa ako ng mga bato ay hinagis sa mga kahoy na nasunog na dahil sa apoy kagabi. At nagising nga nun ang hari, sa wakas gumalaw na din siya.

Di ko alam kung bakit nagkukunwari ako na tulog parin, basta nakakahiya.
Nung nakita niya na hawak niya yung kamay ko at medyo hinigpitan niya yung paghawak kaya kailangan gumawa ako ng paraan.

Nag inat-inat ako kunwari at naramdaman ko na nagmamadali siya na bitawan ako.
"Gumising ka na.." mahinang sinabi sakin ng Hari at nararamdaman ko yung paghinga niya malapit sa tenga ko. At paglingon ko sa kanya ay nakatingin siya sakin.

"M-Magandang u..u-maga Ma- Mahal na Hari" hala bakit nauutal ako?!
Siya na mismo ang lumayo sakin at tumayo na siya. Nagulat ng makita ang katawan niya, oo nga pala hinubad niya yung mga suot niya kagabi dahil nabasa ng ulan.

Nagbihis na siya pero yung suot ko ay medyo basa parin. Ibalot ko daw muna sa katawan yung kapa niya, para mainitan ako. Nang makita ng Hari ang liwanag na nanggagaling sa labas ay agad siyang tumakbo.

Sinilip niya kung ano na yung nangyari sa labas, habang kinakaladkad ko naman yung sako na dala niya. Nakatayo siya sa malayo at hinihimas ang mga puno.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon