Bato Sa Buhangin
Tinutukan ni Ismael ng pana at palaso si Roman.Kaya inilabas din ng mga kawal ang kanilang mga espada at sibat. Inawat sila ni Lusyano at tinanong kung ano ang nangyayari, sa sobrang galit ni Ismael ay nasabi niya din ang totoo..
"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Tora! Ikaw ang dahilan kung bakit nabuhay siya muli bilang isang tao.. Binalikan niya ang Heratalya upang maghiganti sa iyo! Ngunit hindi na niya ito kailangang gawin dahil ako mismo ang tatapos ng buhay mo!" ang sigaw ni Ismael. At dahil hindi binibitawan ni Ismael ang pana at palaso ay napilitin ang mga kawal sa paligid na ilabas ang kanilang mga armas.
Napatingin naman ako kay Roman at kahit siya hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Ismael! Itigil mo na ito!" ang pag-awat naman ni Lusyano, at itinutok naman ni Ismael ang palaso sa kaniya kaya nagulat kaming lahat. "Ano Ismael? Pati ba ako ay idadamay mo sa iyong galit?" tanong ni Lusyano. "Magpasalamat ka na lamang Lusyano at mayroon pa akong respeto sa iyo bilang pinuno ko. Ngunit hindi ko ito kayang palampasin at kailangan niyo itong harapin!" sagot naman ni Ismael.
"Ismael.. Huminahon ka.." at sinubukan lumapit ni Roman ngunit sa kaniya muli itinutok ni Ismael ang palaso. Gusto ko man lumapit pero hawak ni Waywaya ang mga kamay ko.
"Huminahon? Paano ako hihinahon?! Walang hiya ka Roman! Duwag ka nga! Hindi mo kayang harapin at tanggapin ang tadhana!" sa mga sinabi ni Ismael ay mukhang nagtataka sila Roman at Lusyano. "Tadhana? Ano ang iyong ibig sabihin?" tanong ni Roman kaya mas lalong nagalit si Ismael.
"Alam mo ang aking ibig sabihin! Huwag ka ngang magpakatanga kahit ngayon lamang! Dahil ako.. Hindi ako katulad mo. Sigurado ako na matagal mo nang alam na ang babaeng nasa harap mo ngayon, ay ang babaeng minahal mo noon!" dagdag pa ni Ismael.
"Umalis na tayo Ismael.. Umuwi na tayo!" ang sabi ko naman pero bigla akong tinitigan ni Ismael. "Ano Toradel? Hanggang ngayon ba ay siya ang iyong pinipili at pinilit piliin?!" nagtataka ako sa mga sinabi niya.. Ano ba ang ibig sabihin niya?
Hindi nakikinig si Ismael sa mga sinasabi ko at pinagpatuloy ang pagtutok ng pana at palaso kay Roman. Ngunit biglang humarang si Lusyano at sinabing siya nalang ang panain nito.
"Pinuno.. Ganito na ba talaga kalala ang pagkontrol ni Roman sa iyo? Na handa kang isaalan-alang ang buhay mo para sa hangal na ito?" sa pananalita ni Ismael ay halatang nasasaktan siya. Nakita ko ang biglang pagbabago ng emosyon ni Ismael at ang lupa nalang ang pinana. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.
Halos maiyak-iyaka akong tumingin sa mga mata niya, may halong sakit ang nakikita ko sa mga emosyon niya. Humarap siya sakin at hinawakan ang mga kamay ko..
"Ilang beses ka man umalis at bumalik sa Heratalya ay nandito lamang ako upang hintayin ka. Kung sino man sa amin ang makakasama mo ay tatanggapin ko" sa mga sinabi sakin ni Ismael ay naalala ko ang mga sinabi sakin ni Nathaniel.
"Wala akong pinipili sa inyo, kaya sana hayaan mo ako. Gusto ko lang makausap si Roman para malaman ko ang totoo" sagot ko naman at biglang kumunot ang noo ni Ismael. "Ano? Kakausapin mo pa ang hangal na ito? Bakit pa? Para saan? Dahil ba-" hindi na tinapos ni Ismael ang sasabihin niya at tumingin siya ng maigi sa aking mga mata.
"Si Roman dapat ang iyong parusahan, ngunit bakit parang ako ang nasasaktan?" ito ang huling sinabi sakin ni Ismael bago niya ibinaling ang tingin sa iba. Hiniwakan ni Ismael ang kamay ni Waywaya at sinabihan na umuwi na sila. "Kuya Eron sandali lang.." at biglang lumapit sakin si Waywaya.

BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasia"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...