☽ Kabanata V ☾

367 114 5
                                    

Ang Kabilang Mundo

Pagkadating ko sa bahay nila Arolf ay agad akong tumulong sa pag aayos.
Kasama ang iba pang mga kasam-bahay ay nagtulungan kami magluto ng mga handa, maglagay ng mga dekorasyon at ayusin ang mga silya at lamesa sa labas.

Mukhang pinaghandaan at pinagtuunan ng pansin nila Sir Jhann at Ma'am Karla ang bawat detalye.
Pumasok muna ako sa kwarto ni Arolf at nakita ko siya sa kama niya habang natutulog. Napakahimbing at sarap niyang pagmasdan.

"Maligayang kaarawan Prinsesa Arolf" mahinang binulong ko sa kaniya. Sa hindi naman kalayuan kung nasaan ang higaan ko, ayaw na din kasi ni Arolf na maghiwalay kami. Nakalagay doon ang isang kahon. Binuksan ko ito at ang laman ay isang napakagandang bestida na puti. Napaka "intricate" ng disenyo at mga detalye. Talaga bang ito yung susuotin ko? Napaka bongga naman.

Pinasasya pa ata ito nila Ma'am para sakin. Nakakahiya lalo na't mukhang mamahalin pa naman. Pero mas nakakahiya kung tatanggihan ko pa.

Lumipas ang ilang oras at handa na ang lahat. Hinihintay nalang magising ang Birthday girl.

Pagkadilat na pagkadilat palang niya ay ako agad ang nakita niya. Bakas sa kaniyang mga mata ang labis na kaligayahan at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Salamat ate at nandito ka" grabe yung mga ngiti niya, ganito siguro pakiramdam ng may kapatid.
"Syempre naman ako pa ba mawawala? Happy birthday Princess" at niyakap ko din siya ng mahigpit.

Lumabas naman siya agad at sinalubong ng mga magulang niya. Nang makita ko sila na masaya habang nagyayakapan ay naalala ko nanaman sila Mama at Papa. Yung mga panahon na sobrang saya namin at kapag kaarawan ko din, kahit simple lang ang handa ay masaya parin.

Kumain muna sila ng almusal at niyaya din nila ako kasama pa ang mga kasam-bahay. Masaya kaming nagsalo salo at kumain.

May inabot naman si Sir Jhann na maliit na box para kay Arolf at nang binuksan niya ay isang "Tiara" pala ang laman. Lahat daw ng mga prinsesa ay may Korono at ito ang sumisimbolo sa kanila.

Tinanong naman ako ni Ma'am Karla kung ako ba daw ay meron na. Sinabi ko na meron na, may nag bigay sakin.
Pagbalik namin sa kwarto ay binuksan ko ulit yung kahon na may lamang korona na binigay sakin ni Nathan. Di parin ako makapaniwala na ginawa niya ito para sakin. Napakaganda.

Ilang oras muli ang lumipas at magsisimula na ang kasiyahan. Nagpalit na ang lahat ng kasuotan at ako naman ang nag ayos kay Arolf.
Isa din sa mga regalo ng mga magulang niya ay yung purple princess gown na susuotin niya.
Parehas kaming unang beses palang ito nakita kaya mas naexcite kami. Ako na rin ang nag ayos ng buhok ni Arolf, napakacute talaga neto.

"Ate magbihis kana rin po, ako na bahala magsuot ng sapatos ko" sabi niya sakin. "Sure ka? Baka kailangan mo ng tulong?" tanong ko naman. "Hindi na po..kaya ko po talaga promise. Bilis na po bihis na kayo ate" pagpupumilit niya sakin kaya nagmadali akong magbihis.
Paglabas ko naman ay nakita kong nakatulala sakin si Arolf. Natatawa nalang ako sa itsura niya.

"Oh bakit? Bakit ganyan ka naman makatingin ha? Pangit ba? Hindi ba bagay sakin?" tanong ko sa kaniya.
"Sobrang ganda niyo po kasi ate! Mukha po talaga kayong prinsesa!" Prinsesa ako? We? "Aysus binobolo mo pa ako eh ikaw yung may birthday kaya dapat mas maganda ka" nagtawanan nalang kaming dalawa.

At ang huli kong ginawa ay ipinutong ang Tiara sa ulo niya.

"Ang ganda mong prinsesa" mahinang sinabi ko habang medyo naiiyak ako ng kaunti. Kasi naman para ko na talaga siyanv kapatid eh. Agad naman niyang kinuha ang korona na ginawa ni Nathan at ipinutong din sa ulo ko.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon