Ang Pagkukunwari
Umuwi nalang ako sa bahay at sinubukan kalimutan ang lahat.
Mas mahirap pala makalimot kaysa sa makaalala.Nagsimula na ang unang araw ng pagkukunwari ko.
Natulog na ako kahit sobrang sakit ng ulo ko.. Pagtingin ko naman sa bintana ay yung bilog na buwan yung nakita ko. Nawalan ako ng gana makipag-usap sa kanya.. Hindi ikaw yung buwan na hinahanap ko.
Sumunod na araw ay nagising nalang ako sa isang sigaw.. Si Lola Nonecita pala nasa baba tinatawag ako, Mabigat yung pakiramdam ko at nahihilo, pero binalewala ko nalang.
Bumaba ako at pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Lola kasama si Nathaniel.
"Kahit anong gawin ko ay yung puso ko na mismo ang sumisigaw ng pangalan mo. At hindi kita gusto.. dahil Mahal kita, pero hindi ako nagmamadali sa isasagot mo sakin. Handa akong maghintay kahit pa sa susunod ko na buhay.."
Ito ang mga huling sinabi sakin si Nathan nung huling gabi na nakita ko siya. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Hija.. Ano bang nangyari sayo? Nakaraang gabi pa nung tinawagan ko si Nathan pero bigla ka naman tumakbo papalayo, saan ka ba nagpunta?" nag-aalalang tanong sakin ni Lola, pero bigla nalang ako napaiyak. Binitawan ako ni Nathan at hinawakan ang mukha ko.
"Tora.. Ano nangyari sayo?! Sobra akong nag-alala sayo.. Kami nila Lola Nonecita, sila Nathalie, Hannah.. Jae. Umalis ka bigla, saan ka ba pumunta?!" tanong sakin ni Nathan at halata sa mga mata niya na nag aalala nga siya.
Tinanong muli ako ni Lola kung nag-away ba kami pero hindi naman ako makapagsalita ng maayos. Kaya si Nathan na ang nagpaliwanag.. Inanyayahan ko sila Lola Nonecita at Nathan na pumasok sa loob pero kami nalang daw muna ni Nathan ang pumasok.
Ang mahalaga ngayon kay Lola ay nakabalik ako at ligtas.. Inalalayan pa ako ni Nathan pumasok sa loob ng bahay, at pinaupo ako sa silya, nahawakan ni Nathan yung noo ko at napansin na mainit ako.
"Tora, Nilalagnat ka ata.. Sandali lang" tumayo si Nathan at kumuha ng tubig. Pinainom niya ito sakin at nagtanong muli. Saan daw ba ako pumunta, bakit nanaman ako umalis, anong ginawa ko at kumusta na ako. Bakit din hindi na pumapasok sa trabaho at ikwelahan.. Naka-ilang absent na ako at hinahanap ako ni Boss.
Sa lahat ng tanong niya ay hindi ko alam kung papaano ako sasagot, hindi rin ako makapagsalita.. Ano ba nangyayari sakin?
"Pasensya na ang dami kong tanong sayo.. Nag-aalala lang ako sayo, natatakot lang ako baka ano na nangyari sayo" ang sabi niya sakin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Nakita ko naman muli yung pulseras na suot ko..
"Sige hindi na muna kita tatanungin masyado.. Sandali lang ha, bibili lang ako ng gamot para sayo" Tumayo si Nathan at lumabas pero sinundan ko siya. "Nathan.." tinawag ko ang pangalan niya at lumapit siya sakin.
"Dito mismo sa harap ng pintuan.. Sinabi mo sakin na handa mo akong hintayin hanggang sa susunod na buhay, at pangalan ko ang sinisigaw ng puso mo.. Gusto ko sanang malaman mo, na iisang pangalan lang din ang sinisigaw ng puso ko. Ilang beses mo na napatunayan sakin ang intensyon mo, inaalagaan mo ako, ginagabayan, at hindi pinapabayaan.. Higit sa sa lahat, minahal mo ako. Dahil doon mas lalo kong napagtanto na maikli lang ang oras ng isang tao sa mundo, hindi dapat inaaksaya ang bawat minuto. Matagal mo naman na napatunayan sakin na handa ka ngang mag-hintay, pero bakit pa ba kailangan ng mahabang pagninilay-nilay?" nalilito si Nathan sa mga sinasabi ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong pa niya sakin at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Hindi ka man nagmamadali sa isasagot ko sa katanungan mo.. Pero ngayon naisip ko na ang totoong desisyon ko, may tiwala ako sayo kaya at ayokong mawala ka pa sa buhay ko." nakatingin lang si Nathan sa mga mata ko at hindi na ako makapaghintay na sabihin yung sagot ko.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasía"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...