☽ Kabanata XLII ☾

115 43 15
                                    

Aking Ilang


Sa aking pagmulat ay agad kong narinig ang busina ng mga kotse sa labas. Sa pagbukas ko muli ng pinto ay nasilayan ko ang kalsada, umaga na at nakabalik na nga ako sa mundo ng mga tao.

Naglakad-lakad ako at pinagmamasdan ako ng mga tao sa paligid ko. Nadaanan ko ang bahay nila Arolf ngunit dumaretso agad ako sa bus station.

"Manong, maaari po bang makisakay? Sa susunod na magkita po tayo ay nangangako akong magbabayad ako." hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ko ang kakaiba ang tingin sa akin ng driver ng bus.

"O sige na, sumakay ka na.." nagtaka din ako kung bakit siya pumayag pero sumakay nalang din ako. Nakatingin sa akin ang mga pasahero dahil sa kasuotan ko, sadyang naiiba ang itsura ko sa kanila.

Kahit mabagal man ang usad ng bus dahil sa traffic at yakap ko pa rin ngayon ang libro ko. Pagkalipas ng mahigit dalawang oras ay nadaanan na namin ang parke, agad akong pumara at bumaba. Nakita ko ang palaruan at ang mall kung saan ako nagtrabaho noon. Wala man lang nagbago..

Gaano katagal ba talaga akong nawala?

Hindi na mahalaga iyon sa akin ngayon dahil kailangan ko nang magmadali. Nagpunta ako agad sa bahay ko ngunit nakasarado ito. Sa aking pagbisita naman sa bahay ni Lola Nonecita ay naalala ko na umalis na pala siya kaya bumalik ako sa bahay ko. Ngunit napansin ko na nasa ilalim ng aking basahan ang susi ng aking tahanan. Binuksan ko ito at pumasok na sa loob.

Hindi ako makapaniwala na nandito na muli ako.

Halos walang nagbago sa kapaligiran ko.

Maliban sa masyado nang madumi ang sahig at maalikabok ang lamesa. Naligo ako at nagpalit ng kasuotan, isinuot ko ang kulay puti ko na bistida gaya sa suot ko kanina. Kahit bagong ligo ay nilinis ko agad ang buong bahay.

Inilagay ko muna ang libro ko sa aking higaan at nagsimula nang magwalis, magpunas ng sahig, maghugas ng mga plato at itapon ang mga naiwang mga basura. Hindi ko akalain na alas-kwatro na pala. Uminom na muna ako ng tubig bago umakyat sa aking silid.

Muli kong nakita ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan ngunit lowbat na ito, nagcharge muna ako ng kalahating oras at binuksan ito. Sunod-sunod kong natanggap ang sangkatutak ng mga mensahe mula sa aking mga kaibigan. 200+ na messages mula kela Nathalie, Hannah at Jae habang 100+ naman mula kay Nathaniel. Mayroon naman akong 500+ na missed calls mula sa kanilang lahat at labis akong nagtataka kung bakit ganito kadami.

Hindi ko alam kung bakit pangalan ni Hannah ang na-dial ko at sumagot naman ito.

"Hello,Toradel? Ikaw na ba yan?!" ang tanong niya sa akin. "Hello, Hannah? Bakit ano ba meron?" ang tanong ko naman at bigla siyang tumili. "Omg babae ka! Saan ka ba nagpunta?! Kasama ko ngayon si Nathalie, kausapin mo siya!" at binigay naman ni Hannah ang cellphone niya kay Nathalie.

"Toradel? Ikaw na ba talaga 'to? Saan ka ba nanggaling?! Nag-alala kami sayo!" ang agad sinabi sa akin ni Nathalie.

"Alie, ano bang sinasabi mo? Gaano katagal ba akong nawala?" ang mahinang tinanong ko sa kaniya. "Naku! Nasaan ka ba ha? nasa bahay mo? Pupunta agad kami diyan! Please huwag kana muna umalis agad!" ang sabi ni Nathalie at agad pinutol ang tawag. Mukhang pupunta sila dito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

4:45pm ay biglang may kumatok sa pintuan at sa pagbukas ko ng pinto at nakita ko silang lahat. Agad akong niyakap nila Nathalie at naiyak pa sila.

"Ano ka ba Toradel! Nag-alala talaga kami sayo! Saan ka ba nanggaling ha?!" ang tanong sa akin ni Nathalie. "Naku naman babae ka, ang tagal ka namin sinubukan macontact pero ni-isang reply wala.. Namiss ka namin!" ang sabi naman ni Jae at niyakap din niya ako. Halos hindi ako makapagsalita at napatulala na lamang. Naiba man ang itsura nila ngunit sila pa rin ang mga naging kaibigan ko sa Heratalya.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon