☽ Kabanata II ☾

1.6K 163 35
                                    

Ang Mga Pagsubok


Sa pagmulat ng kaniyang mga mata, nasanay si Tora na puntahan agad ang kwarto ng kaniyang ama at ina. Gigisingin niya ito sa pamamagitan ng mahigpit na yakap at mga matatamis na halik.
Tanging ang katahimikan lamang ang gumigising sa kaniya tuwing umaga.

"Anak..gising kana ba?" tanong ni Federy habang kumakatok sa pintuan at pinagbuksan ito ni Tora.
"Gising na po ma, Magandang umaga po" mahinang pagbati ni Tora.
"Magandang umaga din anak. Nasa baba pala ang mga kaibigan mo, gusto ka nilang makita. Tutal bakasyon naman..bakit hindi kayo mamasyal?" at ngumiti ng bahagya si Federy.
"eh paano po kayo?" tanong naman ni Tora.

"Ako na ang bahala sa shop, magsaya ka kasama sila" ngunit hindi parin gustong pamayag ni Tora.
"Wag kana mag alala. Magiging maayos lang ako mag isa. Isang buwan nadin naman ang lumipas, pagalingin natin ang mga sugat ng puso natin." pagpupumilit ni Federy sa anak.
Napag isip-isip din naman ni Tora na tama nga. Tayo mismo ang magpapahilom ng mga sugat sa ating puso. Tulungan natin ang ating sarili at ibangon ito sa pagkakalugmok.

Ngayon lang muli nakita ni Tora ang mga ngiti ng kaniyang ina, kaya ito'y kaniyang pinagbigyan. Bumaba si Tora at nakita sila Nathalie, Hannah, Jae at Nathaniel.
Hinihikayat siyang mamasyal sa parke at sa mall. Wala nang pagdadalawang isip na pumayag si Tora. Nais niya din sumaya, isa sa paraan upang sumaya ay ang matupad ang hiling ng kaniyang ina. Na siya'y mabuhay ng normal at bumalik sa dating buhay niya.

Nagbihis ng magandang kasuotan si Tora. Isang puting blusa at puting palda ang isinuot niya. Ang mismong blusa at paldang iyon ay ang isusuot sana niya pagkatapos ng graduation. Dahil ang plano nila buong pamilya ay magkaroon ng maliit na selebrayon at kumain sa labas. Hindi man natupad iyon ay naisuot din ito sa wakas ni Tora.

"Mama..bagay po ba?" pumasok si tora sa kwarto ng ina at ipinakita ang suot niya. Lumaki ang mga ngiti sa labi ni Federy at hindi makapaniwala sa ganda ng anak. "Anak..napakaganda mo. Bagay na bagay sayo ang kulay. Ang ganda mo" mga salitang sinabi ni Federy habang hinahawakan ang pisngi ni tora. "t-talaga po? sa tingin ko kasi di bagay sa pagkatao ko" nahihiyang tugon ni Tora.

"nako anak..ang kulay puti ay ang simbolo ng kalinisan, kagandahan, kabutihan, pagiging inosente at puro. Ang perpektong kulay na sumisimbolo sayo" naluha ng kaunti si Federy habang nakatitig kay Tora. "Mama..bakit ka umiiyak? Sigurado po ba kayong magiging maayos kayo dito mag isa?" nag aalalang tanong ni tora.
"Oo naman..sandali lang naman diba? Sige na baba na tayo, hinihintay kana nila Nathalie." hinawakan ni Federy ang kamay ng anak at sabay silang bumaba.

Habang bumababa sa hagdanan si Tora ay hindi mapigilang matulala ng apat sa kaniya. Umaapaw ang simpleng kagandahan ng dalagita dahilan upang mapangiti sila.
"Wow Tora..ang ganda mo ngayon" pagbati ni Jae. "Oo nga, sobrang bagay sayo yung suot mo" pagpuri ni Hannah. "Oo nga eh, sa ganda mo ngayon ay natutulala parin si kuya oh" pang aasar ni Nathalie. Lahat sila ay napalingon kay Nathaniel na nakasandal sa pintuan at nakatingin lang kay Tora. Silang lahat at bahagyang napangiti.

"Oy kuya ano? Galaw galaw baka ma-istroke" muling pang aasar ni Nathalie habang natatawa.
"Uy si Nathan oh na-star struck" sinabi ni Jae habang kinakalabit si Hannah.
"ano sa tingin mo Nathan? Ganda ni Tora ngayon no?" tanong naman ni Hannah.
"Uhhhh..." mahinang sinabi ni Nathan dahil naiilang sa mga matang nakatitig sa kaniya.

"Anak..nathan. Naghihintay si Tora sa sasabihin mo." dagdag pa ni Federy.
"m-mukha siyang..muk..ha siyang. Mukhang siyang mabango." tugon naman ni Nathaniel habang namumula ang mga pisngi.
"Hala la lala la! Si kuya oh..nag make up kaba?" tanong ni Nathalie. "Bakit?" sabay na tinanong ni Hannah at Jae. "kasi nagba-blush ka!! Hahaha" natawa silang lahat habang tumalikod nalang si Nathaniel at namumula parin.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon