Ang Mundo Ng Heratalya
Nang makita ng Hari ang mukha ng tao na nasa loob ng kulungan ay kakaiba ang kaniyang naramdaman.Sino nga ba itong tao na ito?
Sino nga ba siya?Bakit iisa sila ng mukha ng isang babae na dati kong kakilala?
Bakit kamukha niya ang Reyna?
Ako ay naguguluminahan kung siya nga ba ang babae na nasa aking harapan.Ito ang mga katanungang nabuo sa isipan ng Hari.
Ngunit may kakaiba sa babaeng ito.
Kulay puti at hanggang paa ang buhok ng Reyna, habang ang babae sa kulungan ay itim at hanggang likuran lamang ang haba nito.
Impostora o nagbabalik lamang siya?(Toradel's POV)
Siya ba ang Hari?
Tuluyang tumahimik ang paligid at tibok ng aking puso lamang ang aking naririnig. Siya na ba ang sinasabi nilang Hari? Ako ba ay tama ang hinala o sadyang nagkakamali?
Napansin ko na nanlaki ng kaunti yung mga mata ng Hari pero bigla itong napalitan ng kakaibang pagtingin. Parang binabasa niya yung isip ko habang nakatitig lang siya sa akin.
"Aming Kamahalan, nasa iyong harapan ay ang isang tao na makasalanan. Ang simpleng pagtapak lamang sa Gubat ng Liwanag ay maituturing nang kasalanan. Lahat ng iyong iuutos na kaparusan ay agad naming susundin. Ang hayaang siya mabulok dito o buhay niya'y kitilin" madiin na sinabi ni Lusyano sa Hari habang nakasaludo.
At ako naman ay di parin makawala sa pagkakahawak ng dalawang kawal sa braso at kamay ko.
Lumapit pa sakin lalo ang Hari at nagsimulang tumulo ang mga luha ko nang hindi ko napapansin. Nadadala nalang ako ng mga emosyon ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak nalang.
Pinagmamasdan ako ng maigi ng Hari mulo ulo hanggang paa. Pero mas malalim ang titig niya sa mukha ko, para siyang galit na hindi ko alam.
Kung makatingin siya ay parang may nagawa ako sa kaniya kahit ngayon ko lang siya nakita.Tinignan din niya ang mga sugat ko lalo na yung nasa braso ko.
"Tao. Isa ka ngang tao. Lusyano mukhang mali ang hinala mo at mukhang umasa lang ako. Hindi siya ang hinahanap ko." sabi ng Hari habang malalim ang tingin sakin.
"Paumanhin aking Kamahalan. Kakaiba lang ang aking pakiramdam sa tao na iyan" tugon ni Lusyano."Nakakahawa ba talaga ang mga maling akala? Ikaw ang pinuno ng mga kawal, inaasahan ko na tanging mga tamang impormasyon lamang ang dadalhin mo sa akin. Babalik na ako sa aking silid, huwag niyo akong kausapin sa loob ng dalawang araw. Ito ang inyong kaparusahan." tugon naman ng Hari at lumabas na sa pintuan.
"Masusunod Mahal na Hari. At ano ang aking gagawin sa tao na ito?" tanong ni Lusyano. "Alamin kung ano ang aking nais. Iyon ang tungkulin mo. Kayo na ang bahala." at tuluyan na ngang umalis ang Hari. Naririnig ko parin yung mabibigat na paghakbang niya papalayo.
Lumabas narin si Lusyano pero si Arman naman ang pumasok. Lumapit siya sakin at hinawakan ang leeg ko.
"Kung sino ka man at kung ano ang iyong pakay sa aming Lupain ay huwag mo na ituloy. Ikaw mismo ang huhukay sa sarili mong libingan" habang tumatagal mas dumidiin yung paghawak niya sa leeg ko at nahihirapan na ako huminga.
Dumating naman agad si Lusyano at sinigawan si Arman. Na kahit ako daw ay isang tao ay babae parin ako at dapat nirerespeto. Malinaw na nasa kanilang batas ang galangin ang bawat kababaihan sa mundo nila. Ayusin daw dapat ni Arman ang pagtrato sakin kung gusto pa niya makauwi sa pamilya niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/96561781-288-k314464.jpg)
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...