☽ Kabanata XII ☾

243 79 29
                                    

Bakit Niya Ako Sinusundan?


Isang araw nalang bago ang kasiyahan na magaganap sa Palasyo. Binilisan na nila Waywaya para matapos na ang damit na isusuot nila.
Itong mga nakaraang araw ay tinuruan ko sila kung paano gumawa ng pattern para sa isang dress.
Para sakin ay hindi sapat ang magburda lang sa isang tela at ibalot ito sa sarili na parang kumot.

Dahil mahilig din naman akong magsuot ng dress simula bata palang ako ay naghanap ako ng paraan. Ang naisip ko tema para sa mga bistada na isusuot namin ay yung panahon ng medyebal.

Medyo may dinagdag ako sa disenyo, sinunod ko parin ang gusto nila na tanging buhok, mukha at mga kamay lang ang nakalabas.

Kahit leeg ay ayaw nila ipakita pero naiintindihan ko naman sila. Kulay kayumanggi kay Waywaya, puti kay Pelisidad at Mortisya, kulay luntian kay Elmira at kahel naman kay Prisila.

Pinayuhan nila ako na kulay pulang bistida ang isuot ko dahil ako naman ang dahilan kung bakit magaganap ang kasiyahan na ito. Birthday ko ba? Haha, naalala ko tuloy nung unang salta ko sa Bulacan. Lakas ng loob ko na mag all red na suot, lahat tuloy nakatingin sakin.

Inilabas ko sa baul ang kapa ng Hari at pinakita ito sa kanila.

"Pristes Mersi.. Ito ba ang kapa ng Kamahalan? Paano ito napunta sa iyo?" tanong ni Elmira, sasagot na sana ako pero nagsalita si Pelisidad.
"Ang kuwento sa akin ng aking Ina ay mahiwaga ang kapa na iyan" tugon pa ni Pelisidad. "Paanong mahiwaga?" tanong ko.

"Alam ng lahat ay hindi si Haring Roman ang tunay na nagmamay-ari ng kapa na iyan. Ngunit ito ay ipinamana sa kaniya ni Pristes Karmina, ang ina ng mahal na hari" tugon naman ni Mortisya. "Talaga? Sa nanay pala niya ito.. binigay lang sa kanya" sagot ko naman. "Ngunit isa na itong tradisyon sa atin hindi ba? Ibibigay lamang ng isang Kawal ang kaniyang kapa sa babaeng iniirog niya. Ngunit hindi ito maaaring malaman iba dahil nasa batas na isang kasalanan ang paglapit ng Kawal sa Pristes kung hindi sila ipapakasal sa isa't isa. Naaalaa mo ba Pristes Mersi?" tanong sakin ni Prisila.

"Naaalala ang alin?" tanong ko naman. "Na binigyan ka din ni Kuya Eron noong bago kayo naglakbay ng Hari papuntang gubat. Hindi ba at ibinigay sa iyo ni Kuya ang kaniyang kapa?" tanong naman ni Waywaya.
Naku..kung ano man yung mga iniisip niyo nagkakamali kayo. Pero totoo nga na gusto ako ni Ismael ay hindi naman imposible yun, dahil ito rin ang pinaparamdam sakin palagi ni Nathaniel.

Hindi lang kami nabigyan ng pagkakataon na sabihin ang nararamdaman namin sa isa't-isa pero pinaramdam naman niya sakin na mahalaga ako sa kanya. At ganito din ang ginagawa ni Ismael.

Naku naman Tora.. Wag kang umasa.

"Paano na iyan? Binigyan ka ni Ismael ng kapa.. Kung nagkataon lamang na hindi mo na naibalik ang kapa na iyan sa Hari ay bakit hindi na niya kinuha pang muli?" tanong naman ni Mortisya.
Alahanin ko daw ulit kung aksidente lang ba na napunta sakin yung kapa ng Hari o sinadya niya.

At naalala ko na. Inutos sakin ng Hari na ibalot ko muna ang sarili ko ng kapa para mainitan ako. At sa paglabas namin ng kuweba hanggang sa pagbalik namin sa palasyo ay hindi naman niya kinuha yung kapa. Anong ibig sabihin nun?

Binigay niya ba o nakalimutan lang niya?

Iniba ko nalang yung topic, naku naman sumasakit ulo ko eh. Ito talagang mga 'to, ang kukulit. Nakahanda na ang susuotin namin kaya nagpahinga na kami at umuwi na din sila.

Sabay na kaming natulog ni Waywaya pero mas maaga siyang nagising sakin. Naabutan ko na nag uusap sila sa labas kasama sila Mortisya.
"Ano? Kayong lima dyan? Nagmamadali ba kayo? Mamaya pa naman yung kasiyahan ha?" natawa nalang silang lahat at pumasok sa loob.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon