☽ Kabanata XLIII ☾

154 44 17
                                    

Pag-ibig Na Walang Dangal


Hindi ko alam kung gigisingin ko ba si Arolf o hindi ngunit kailangang mayroon akong gawin. Kahit gabi na ay aking kinuha yung bag ko at lumabas ako ng kuwarto.

Nakasalubong ko si Maureen na ngayon ay naglilinis ng lamesa.

"Saan ka pupunta? Aalis ka na ba agad? Akala ko pa naman ay sabay kayo matutulog ni Arolf." ang sabi sa akin ni Maureen. "Shhh.. Mayroon akong kailangang puntahan, babalik din ako." ang mahinang tugon ko at pumayag naman si Maureen. Sinamahan niya pa ako na lumabas ng gate ngunit bago pa ako makalayo ay bigla akong may naisip. Bumalik agad ako sa loob at tinanong ni Maureen kung bakit.

Hindi na ako sumagot at dumaretso patungo sa kwarto ni Fabricio. "Tora.. Siguro'y tulog na si Sir Fabio at baka siya ay maistorbo." inawat ako ni Maureen ngunit hindi siya pinansin at binuksan ko yung pinto ng kwarto niya.

Nadatnan ko si Fabricio na nakahiga ngunit hindi pa siya natutulog ay nakita ko kung gaano siya nataranta nang ako'y makita. Nagmadali siyang tumayo at humarap sa akin.

"What are you doing here? I mean.. Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" ang tanong niya sa akin at halos hindi siya makatingin sa mga mata ko. "Fabio.. sabihin mo nga sa akin ang lahat ng mga nalalaman mo. Nasaan ngayon ang anak ko?" ang tanong ko sa kaniya at napakamot siya sa kaniyang ulo. "Anong ibig mong sabihin?" tanong pa niya. "Si Flora! Nasaan na siya?!" hindi ko namalayan na medyo napalakas ang boses ko.

"Hindi ko alam kung nasaan na siya.. Wala akong alam tungkol sa kaniya" seryosong tugon ni Fabricio at hindi na ako natutuwa. "Paano mo nagawa sa akin 'to? Simula't sapul ay alam mo naman pala ang totoo.. Noong unang beses mo ako nakita bilang isa tao ay wala kang sinabi, napaka sinungaling mo Fabio. Sinungaling ka." sa sobrang galit ay hindi ko na ata kayang makita siya kaya tumalikod ako at naririnig ko ang malalim na paghinga niya.

"Look Tora.. I've never wanted any of this to happen. My biggest mistake is that I blamed you and Roman for everything, kahit obvious naman na may kasalanan din ako. Hindi na sana kita pinilit noon na maibalik mo ang pag mamahal na ibinigay ko sayo, sobrang nasaktan talaga ako noong si Roman ang pinili mo. Parang bumagsak sa akin ang buong mundo at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." paliwanag pa niya sa akin at aalis na sana ako ngunit tinawag niya ako.

"Tora please.. Listen to me, just one moment...please. I just want to apologize." dahil sa sinabi niya ay bigla akong napalingon at tumingin sa kaniyang mga mata.

"Hihingi ka talaga ng tawad? Sa akin? Sa akin?! Ano bang mangyayari kung papatawarin kita? Kapag ang salamin ba ay binasag mo at humingi ka ng tawad dito ay mabubuo muli ito?" ang tanong ko sa kaniya. "Hindi.." ang mahinang tugon niya.

"Hindi.. Tama hindi! Alam mo naman pala.. Kaya kahit habang buhay ka man humingi ng tawad sa akin ay wala ka nang magagawa. Lahat ng mga kasalanana mo, kasalanan ko at kasalanan nating lahat ay nangyari na! Hindi na maibabalik ang lahat sa dati! Hindi na maibabalik ang anak ko!" hindi ko kayang pigilan ang sarili kong mga emosyon, ang alam ko lamang ay nagagalit ako ngayon.

Sa ikalawang pagkakataon ay lalabas na sana ako ngunit pinigilan niya ako. "Nagpakita sa akin si Konswelo.." dahil sa sinabi niya ay napatanong ako kung kailan at anong sinabi nito sa kaniya. "A few months ago.. She told me about everything at mas lalo kong naalala ang lahat, na ikaw ay nasa Heratalya noon. Sinabi din sa akin ni Konswelo na si Flora ay muling ipinangak bilang isang tao pero hindi na siya ang anak natin." pinaliwanag sa akin ni Fabricio na kahit siya ay hindi niya alam kung paano nangyari ito, at iyon lamang ang sinabi sa kaniya ni Konswelo.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon