☽ Kabanata XIV ☾

206 69 10
                                    

Sa Mundo Ng Mga Tao


Pagkabukas ni Toradel ng pinto ay ipinikit niya ang kaniyang mga at pumasok sa loob.

Sa kaniyang pagdilat ay walang nagbago sa paligid at mukhang nasa loob pa din siya ng kubo, ngunit nakarinig siya ng busina ng mga kotse. Dahan-dahan siyang lumabas at natanaw niya ang kalsada kung saan siya nagtatatakbo. Tuluyan na ngang nakabalik si Toradel sa mundo ng mga tao.

Ngunit ang hindi niya alam ay sa kabilang mundo ay nasa labas lamang ng kubo si Roman. Naghihintay ang Hari sa kaniyang muling pagbabalik at siya pa mismo ang nauna sa gubat. Narinig niya ang lahat ng pamamaalam nila kay Toradel, lalo na ang mga sinabi niya kay Ismael.

Pursigido si Roman na manalo upang makuha ang puso ni Toradel, ngunit sa ngayon ay walang kasiguraduhan ang kaniyang pagbabalik.

Ang salitang "Pangako" na lamang ang kaniyang pag-asa upang maniwala pa.

Hindi naman makapaniwala si Toradel at nakabalik na siya, halos manibago siya sa paligid.

Kinurot kurot ang sarili kung siya'y nananaginip lamang.. Nagmadali siyang pumunta sa tirahan nila Arolf dahil malapit lamang ito sa kubo.
Dahan-dahan pa siyang kumatok sa gate ng bahay at nagulat ng si Jhann ang nagbukas nito.

"Toradel? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba umuwi kana? Nawala ka daw kasi bigla nung isang gabi? Saan ka nagpunta?" nagtataka naman si Toradel sa mga tanong ni Jhann.
"Sir Jhann.. Pwede po bang pumasok sa loob? Nasa loob po ba si Arolf?" tanong ni Toradel. "Aba oo naman.. nasa kwarto lang si Arolf, hinahanap ka nung nakaraan pa" tugon ni Jhann.
At pumasok na nga siya sa loob at nakasalubong naman si Karla.

Tinanong siya kung bakit suot niya parin ang Princess costume niya, tatlong araw na yung lumipas at bakit bigla siyang nawala.

Mas lalong nagtaka si Toradel sa mga nangyayari, kung papaanong halos walang nagbago sa paligid niya. Kung ang katumbas ng isang oras sa mundo ng Heratalya at isang taon na ang lumipas sa mundo ng mga tao.

Kumatok si Toradel sa pinto ni Arolf, binuksan niya ang pinto at nakita si Arolf na natutulog sa kaniyang kama.
Napansin niya na hindi pa nabubuksan ni Arolf ang mga regalo niya at hawak parin ni Arolf ang libro na kaniyang binigay. "The Journey of Princess Arolf".

Kahit labis ang kaniyang pagkalito ay inayos ni Toradel ang sako na kaniyang dala at ipinasok dito ang ibang mga kagamitan niya. Muli niyang nakita ang Korono na ginawa ni Nathaniel, kung totoo nga na nakabalik na siya at nananabik na siyang makitang muli ang mga kaibigan niya.

Sa kaniyang pag aayos ng gamit at biglang nagising si Arolf, paglingon niya sa likod niya at nakita niyang nakatayo si Arolf.

Naalala niyang muli ang huling beses na nakita niya si Arolf, nakakatakot ang itsura niya at siya pa mismo ang nagturo kay Toradel sa daan papunta ng kubo
.
Ngunit ngayon ay bumalik na dati ang itsura ni Arolf na para bang walang nangyari. Tumakbo papalapit ai Arolf upang yakapin si Toradel.

"Ate.. Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit bigla kang nawala? Pag gising ko po sabi nila ay umalis ka daw po.. Promise mo sakin na sabay natin bubuksan yung mga gifts ko" nagtatampong sinabi ni Arolf
"Arolf.. Ikaw ba yan? Teka sandali.. Sorry ah may inasikaso lang ako saglit. Pasensya na talaga, hayaan mo nakabalik na ako" tugon ni Toradel.

Pinilit ni Arolf na samahan siya ni Toradel upang magbukas ng mga regalo niya. Ngunit pagtingin ni Toradel sa kalendaryo ay Nobyembre parin ang buwan.

"Arolf.. Anong araw na ba? Anong date na?" tanong niya. "Uh November 27 na po.. Wednesday.. Hindi po ba nung November 23 yung birthday ko, nung saturday po yun. Nakalimutan mo na po?" Nagulat si Toradel sa kaniyang narinig, hindi makapaniwala na ilang araw lamang ang lumipas.
Bakit ganito? Ano ba ang nangyayari?

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon