Ang Libro
Naging masaya ang kaarawan ko at ang selebrayon ng bagong taon. Ito ang isa sa mga araw na hindi ko malilimutan..Nakapiling ko ang mga mahal ko sa buhay, at lahat ng mga nagmamahal sakin. Wala na akong maihihiling pa kundi mas mahabang oras pa, masama bang gusto ko lang tuluyang maging masaya?
Natapos na ang selebrasyon namin, kumain kami, nagsayawan, nagkuwentuhan, nagtawanan at pinanood ang fireworks display sa labas. Gumawa ng ingay gamit ang nga torotot at ang bahay ko at nabulabog.. Sana ganito palagi.
Tinulungan pa nila akong lahat para ayusin yung mga kagamitan ko sa bahay, at nilinis na din ang lahat.
Pero kailangan na umuwi nila Nathalie kaya sa muli ko silang niyakap at nagpasalamat sa pagiging mabuti nilang kaibigan.Gusto pa sanang manatili ni Nathan dito pero pinauwi ko nalang din siya, kaya ko naman na mag-isa. Pinaliwanag ko sa kaniya na mamaya din ay uuwi na sila Waywaya, kaya napalagay naman ang loob niya.
"Ismael.. Inaasahan ko na ikaw na muna ang bahala sa lahat ng mga babae sa loob ng bahay na ito" sabi ni Nathan kay Ismael at nakipagkamay.
"Oo, ipagkatiwala mo sila sa akin at hindi ko sila pababayaan" sagot naman ni Ismael, kaya niyakap ako ni Nathan at umalis na din siya.Bago naman ako umakyat at ipinagbalot ko muna sila para sa baon nila bukas. Dahil nakapag-isip na din ako na dito muna sila magpalipas ng gabi sa bahay, ayoko pauwiin sila agad. Kahit ang sinabi ko kay Nathan ay uuwi na sila mamaya, ay hindi ko sila kayang matiis.
Tinulungan pa ako nila Waywaya at natutuwa sila dahil sa mga kakaibang pagkain dito. Bigla naman lumapit sakin si Ismael at tumitig sa mga ko.
"Bakit Ismael? May sasabihin ka ba?" tanong ko naman at umiiwas ako ng tingin sa kaniya. "Ako, si Roman at si Nathaniel.. Sino ang pipiliin mo sa amin? Sino ang iyong iniibig?" nagulat kaming lahat sa tanong ni Ismael at hindi ako nakasagot agad.
"Ismael.. Ano bang klaseng tanong iyan? Hindi ka dapat nagtatanong ng ganiyan sa Kamahalan" sagot naman ni Prisila.
"Tama, Kuya Eron.. Ano ba ang iyong pinagsasabi?" tanong naman ni Waywaya. "Wala akong ibig sabihin. Nais ko lamang malaman kung sino ang pipiliin ni-" hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Ismael ay nagsalita na agad ako.
"Si Nathaniel.. Si Nathaniel lang. At hindi ko na kailangan pang pumili dahil siya lang talaga ang pinipili ko" dahil sa sagot ko ay napatahimik si Ismael.. Nakatingin lang siya sakin at walang imik.
Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko at bakit nasabi ko yun. "Bago pa man kayo dumating ni Roman sa buhay ko, nandito na si Nathaniel sa tabi ko." hindi ko na napigilan ang sarili ko at inamin ang totoo.
Dahan-dahan lumapit sakin si Ismael at hinawakan ang mga kamay ko.
"Hindi ako nagmamadali sa iyong kasagutan, buong akala ko ay si Roman ang aking kaagaw sa iyo.. Ngunit isang lalaki na kamukha ko lamang pala ang iyong gusto. Umasa ako sa wala." nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Ismael, hindi ako makapaniwala sa narinig ko."Kuya Eron.. Mas maganda na siguro kung ngayon na tayo aalis, Kamahalan.. Hihintayin na lamang namin ang iyong pagbabalik" sagot pa ni Waywaya.
"Hindi.. Hindi pa kayo pwedeng umuwi. May isa pang kwarto sa taas, kung gusto niyo doon kayo matulog. Kung hindi kayo kasya ay maaaring isa sa inyo Waywaya ang tumabi sakin.. At ikaw Ismael.. Dito ka nalang matulog sa baba-" di pa ako natatapos ay nagsalita na si Ismael.
"Hindi ako magpapalipas ng gabi dito, ako ay babalik na sa Heratalya. Kung nais niyo na bumalik na din ay sumunod kayo sa akin" sabi ni Ismael at lumakad siya papalayo kaya hindi ko napigilan ang emosyon ko.. Hindi niya ako maaaring tratuhin ng ganito.

BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...