Konswelo, Paalam
Lumipas man ang ilang mga linggo ay sariwa parin para sa akin ang lahat. Sa maikling panahon ay unti-unting nawawala ang mga mahahalaga sa akin. Ano pa nga ang kapalit ng lahat? Hindi ko talaga lubos maisip na ganito ang kahihinatnan, labis akong nasasaktan dahil maraming nasaktan dahil sa akin..Sa Palasyo ako nanatili dahil halos hindi ako kinakausap ni Waywaya. Naiintindihan ko siya dahil ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga kaibigan niya. Wala na sa akin ang libro, ang pulseras at mga mahal ko.
Ayoko nang mayroon pang mapahamak sa akin ngunit paano ko ba talaga ito mapipigilan?
"Imposible" ito ang patuloy na binubulong sa akin ni Konswelo. Kung nasaan ako ay nandoon din siya, kahit saan man ako magpunta ay sinusundan ako ng itim na yesya. Bigla nalang siya susulpot sa aking harapan upang ako ay lituhin at paglaruan.
Naging tahimik pansamantala ang mga Karo sa Heratalya, lalo na ang mga Kawal. Hindi nila lubos maisip na magagawa iyon ni Lusyano. Siya man ang kanilang pinuno at kilalang matigas ang puso ay hindi niya iyon magagawa kay Arman.
Ngunit mas naging malinaw sa akin ang lahat na si Konswelo ang pumapatay at kumukuha ng mga kaluluwa.
Siya ang gumagawa ng paraan upang matupad ang aking sumpa at kahilingan. Pinatay niya noon si Mortisya, si Tamida at Tamilya. Hindi ako sigurado kung siya ang pumatay kay Tinyente at Arman ngunit siya ang pumatay kay Elmira, Prisila at Pelisidad.
Nais ko man kausapin si Konswelo ngunit lumilipad lang siya sa paligid at para akong sinusundan ng kamatayan.
Panay akyat ako papunta sa silid-aklatan dahil ang utak ko ay labis na naguguluhan. Sa kabila ng lahat ay palagi kong nakakasama si Luna Amora, siya ang nag-aabot at pumipili ng mga libro na babasahin ko. Muli kong binasa ang mga talaarawan ko, mistulang isang bata ang nagsulat nito.
Walang emosyon at kaalaman tungkol sa pag-ibig. Pag-ibig na akala ko noon ay natagpuan ko na sa piling ni Roman, ngunit ang pag-ibig din na napagkait ko kay Flora. Sana ay kung nasaan man ang aking Prinsesa ay ako'y napatawad na niya.
Masakit malaman ang katotohanan ngunit mas masasaktan ako kung muli ko siyang makikita. Hindi ko alam kung nanaisin ko ba na makausap siyang muli at malaman ang mga sasabihin niya sa akin. Hindi ata ako magiging handa na malaman kung galit man siya sa akin o ano.
Sa aking pagbabasa ng talaarawan ay kahit isang beses ay hindi ko naisulat ang pangalan ni Flora. Wala akong binanggit na Prinsesa, puro pangalan lang ng isang Kawal na si Roman. Parang isang panaginip at bangungot ang nangyari sa anak ko, at kasalanan ko ang lahat.
Nagpatong-patong ngayon ang lahat ng mga iniisip ko. Hindi pa ako nakakahanap ng solusyon sa isa ay mayroong darating na bago. Sana katulad nalang ako ng dati.. walang emosyon. Sana hindi na ako nasasaktan ngayon.
Sa akinv pag-iisa habang nakadungaw sa balon ay muling nagpakita sa harap ko si Konswelo. Hindi na ako magugulat dahil araw-araw na niya ako sinusundan.
"Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko sa kaniya at tumayo din siya sa harap ng balon. "Nais ko lamang na ikaw ay kumustahin." nakakainis to ha. Lakas ng loob na tanungin pa ako kung ayos ba ako, kaya hindi nalang ako sumagot.
"Alam ko ang iyong nararamdaman. Lahat ng katotohanan ay aking sinabi sa iyo, maliban sa inaalok ko.. Wala naman talagang paraan upang mapigilan ang sumpa, ang mga salita na iyong binitawan ay narinig na ng hangin. At ako ang tumutulong para mangyari ito." dahil sa mga sinabi niya ay tinignan ko siya ng masama at ngumiti lang siya.
"Bakit? Kasalanan ko ba na nabuhay ako dahil sa mga kasalanan ng mga tao? Nabuo ako dahil sa kanila kaya ako ay pinatapon dito sa Heratalya.. Walang nakakaalam ngunit sinubukan ko na maging sa kapwa ko, at pinaramdam lamang nila sa akin na hindi ko sila katulad" ang dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Viễn tưởng"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...