Ang Pagbabalik
Ginising ako ni Tatiana, nakatulog pala ako.
Malapit na daw kami bumaba.
Excited na may halong kaba ang nararamdaman ko.Nandito na nga ako sa Maynila. Sa sebilisasyon malayo sa Batanes at Bulacan. Pagkababa namin ay may sumalubong kay Tatiana. Ang mama niya. Ano ba tong nararamdaman ko? Naiingit ba ako? Namimiss ko ba ang mga yakap ni mama?
Nasa loob ng kotse naman ang papa niya, nagyakapan sila ng mahigpit. Sana pwede dumalaw sa langit no? Yayakapin ko din si Mama at Papa.
"Toradel, paano ba to mauuna na ako. Nandito na sila mama, uuwi na kami." nag aalalang tanong ni Tatiana sakin.
"Sus tiana! Sige na magiging okay lang ako. Isang oras lang ang layo ng bahay ko dito, babalik na ako samin"Maiyak iyak namang nagsalita si Tatiana.
"Haysss mamimiss talaga kitang babae ka. Eto yung number ko, itext mo at at tawagan anytime. Magkikita pa ulit tayo diba?" may number na ako ni Tiana at nila ate Camia, kaso isa nalang ang problema..wala akong cellphone. Tsssk naman Tora. "Oo naman, balang araw magkikita pa ulit tayo. Wag kang mag alala" gusto ko ipaalam sa kaniya na madami na akong pinagdaanan kaya kakayanin ko 'to.
"Paano na yung pag aaral mo? Mag tatrabaho kapa ba?" ayoko na mag alala pa si Tiana sakin."Mag aaral ulit ako..bakasyon pa naman, marami pang oras mag enroll. At oo mag hahanap ulit ako ng part time job. Sapat pa naman yung ipon ko eh"
Sa huling pagkakataon ay niyakap ako ni Tatiana. Salamat sa kaniya at nakasurvive ako. Siya ang nagbigay sakin ng trabaho at naging tulay para makapag aral ako. Nagpaalam na sakin si Tatiana at ang mga magulang niya.
Habang papalayo na ang sasakyan nila ay napahinga ako ng malalim.
Welcome back to Manila Toradel.
Ngayon..anong plano?Sumakay ako ng Tricycle pauwi, buti naman at naaalala ko pa yung address. Ibinaba ako sa may parke. Bumalik sa isipan ko ang mga alaala. Naalala ko na dito kami kumain nila Mama ng ice cream kasama sila Nathaniel at Nathalie. Dito ko nakilala sila Hannah at Jae.
Dito din ako niyakap ng mahigpit ni Nathan.
"Wag kang tatakbo palayo..harapin mo lahat. Sasamahan kita" ang mga salitang sinabi ni Nathan. Pasensya na ako hindi ko nagawa. Tumakbo ako papalayo sa inyo dahil hindi ko kayang harapin ang lahat.
Ganun parin ang itsura ng parke. Siguro may nabago nang kaunti pero ganun parin ang pakiramdam na nabalik sakin.
5pm. Nilakad ko nalang ang iskinita papunta sa bahay namin. Habang papalapit ay mas lumalakas ang kabog ng puso ko.
Nadaanan ko ang at isang familiar na bahay. May isang familiar na tao ang nagwawalis sa labas nito. Dahan-dahan ako lumapit at nang humarap siya sakin ay nagulat ako.
Si Aling Nonecita.
Tatlong taon ang lumipas at ganun parin ang itsura niya. Nadagdagan man ang mga puting buhok niya ay di nagbago ang mga ngiti niya. Nakangiti siya sakin at di ko napigipan ang sarili kong tumakbo papalapit sa kaniya. Nabitawan ko ang mga bag kong dala at niyakap siya.
"Totoo ba ito? Ikaw ba yan Tora?" umiiyak siya at hinawakan ang pisngi ko. "Opo.. Aling Nonecita..nagbabalik po ako" niyakap siya muli ng mahigpit. Hindi ko rin magawang umiyak kahit Tears of joy lang. Di ko nalang mapigilan ang sarili kong ngumiti abot tenga.
Pinapasok niya ako sa bahay nila. Siya nalang pala ang nakatira dito, isa- isa nang bumukod ang mga anak niya at may sariling pamilya na. Kinamusta niya ako at tinanong lahat ng mga nangyari sakin.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasía"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...