☽ Kabanata I ☾

3K 211 52
                                    

Ang Kapanganakan Ng Buwan

Itinaas ni Reyna Tora ang kaniyang mga kamay sa gitna ng madilim na gabi. Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Hinahanap ang isang damdamin na nawawala.

Nagmamadali ang mga Kawal upang siya ay mapigilan. Ngunit walang makalapit sa kamahalan. Umilaw ang mga palad ng Reyna at dahan- dahang umangat sa ere. 

Nagulat ang lahat nang magsimulang kumislap ang mga mata ng Reyna. Mabilis na lumipad papuntang langit ang Reyna. Nagliwanag ang paligid at unti unting nawawala ito sa langit. Nag iwan nito ng isang ilaw. Ilaw na maliit para sa paningin ng iba ngunit sapat na upang makita ng lahat.

Ilaw na nakikita nila tuwing gabi.
Ilaw na tinatawag parin nilang Reyna.
Ang Ilaw na tinatawag nilang Buwan.
At ang buwan na ito ay ipinanganak muli bilang isang tao. Nabuo ang taong ito na walang nakakaalam. Lahat ng ito ay nangyari sa nakaraan. Lahat ng ito ay nangyari sa ibang lugar. Lahat ng ito ay nangyari sa ibang mundo.

Walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng paglaho, kanilang mga alaala ay tuluyang nabago.
Ang buong bayan ay nasilaw sa ilaw na kanilang natanaw, kailangan ipanganak muli ang Reyna at upang ito'y magawa ay dapat siyang pumanaw.
Sa isang iglap nawala nalang ang lahat.
Lahat ng sakripisyo ay may gantimpalang nakaakibat.

(Sa kasalukuyan, ika 31 ng Disyembre sa taong 1994)

Lumipas na ang pasko at magsisimula na ang bagong taon.
Sa gitna ng kalsada, dalawang tao ang dumaan. Malakas ang ulan, sila'y nahihirapan. Naghahanap ng pahingahan o matutuluyan, Nakita nila ang bahay na halos malapit nang mawasak kapag nahanginan.

Hawak kamay nilang pinuntahan ito ngunit hindi nila napansin na sila ay nasa gitna ng daan. Muntik na silang masagasaan at nagulat dahil sa busina. Hindi nila ito pinansin at nagpatuloy parin.
Walang pinto ang bahay na ito kaya madali silang nakapasok. Umupo si Louis sa tabi ng bintana at ito ay pinilit isara habang si Federy naman ay nalakad lakad sa loob.
Gamit lamang ang liwanag ng buwan bilang ilaw nila ay nakita ni Federy ang isang bagay na nakabalot.

Hindi niya alam kung ano ito kaya hindi ito pinansin, ngunit dahan dahan humina ang tunog ng ulan kaya narinig nila ang umiiyak na bata.

Lahat ng parte ng bahay ay kanilang sinilip upang malaman kung saan galing ang iyak. At nang balikan ni Federy ang isang bagay na nakabalot, pinakinggan niya ito at kinumpirmang isa itong sanggol.

Natagpuan ito ng mag asawang si Federy at Louis. Kawawang bata umiiyak, naghahanap ng kalinga, at nag iisa.
Nagtataka ang mag asawa kung bakit may sanggol na iniwan sa isang bahay na madilim at tahimik.
Gusto nilang lumayo nalang upang hindi mapahamak ngungit parang tinatawag sila papalapit ng iyak.

Nilapitan nila ang sanggol at ito ay binuhat.
Sa ulo nito ay nakita nila ang isang libro.
Libro na ginamit bilang unan.
Binasa ito ni Louis at dahil sa hindi masyadong natuto magbasa ay ang naintindihan lamang niya ay ang salitang Gasuklay na Buwan.
Inabot naman niya libro kay Federy, ngunit buhat nito ang sanggol. Binuklat ni Louis ang libro ang pinilit basahin ang nilalaman nito.

"Reyna Mantilya Tora del Eorpienta" ang pangalan na nakasulat sa unang pahina ng libro. Binalewala muna ito ni Louis.
Naghanap sila ng makakain sa paligid at mas makapal na tela upang idagdag sa saplot nito. Dahil halos walang kagamitan sa loob ng bahay ay lumabas si Louis para bumili ng gatas gamit ang kaunting pera.
Gutom narin ang dalawa ngunit mas inuna nila at bata.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon