☽ Kabanata IX ☾

246 86 2
                                    

Ang Patay Na Natutulog


Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin ako binabalikan ni Ismael. Naiinis nanaman ako. Nakadalawang pangako na siya, wala din naman.
Sana sinasabi niya kung gaano siya katagal pababalik para hindi bawat oras akong umaasa!

Wala na nga ako sa kulungan na may kasamang kalansay pero pakiramdam ko hindi parin ako malaya.
Habang mas tumatagal ang panahon na ginugugol ko sa mundong ito ay lumilipas ang mga taon sa mundo ko. Naiinip na ako kaya nagsisisigaw ako, dinadaan-daanan lang ako ng mga kawal.

Nakikita ko sila sa maliit na butas sa pinto..ganyan ha? Edi pinagsusuntok ko yung pinto, kahit masakit kailangan kong tiisin. Pero wala parin pumapansin sakin.

Namumula na yung kamay ko sa kakasuntok, tama na muna. Napaupo nalang ako sa tabi ng pintuan at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa katok, sinilip ko muna sa butas kung sino.. si Ismael!

Sa wakas!

Pagbukas ko ay sinalubong niya agad ako ng mga ngiti niya pero inirapan ko lang siya, kakainis ka! Bakit ngayon ka lang?

Lumayo nalang ako sa kaniya pero sinusundan niya ko, sa sobrang inis ko nasuntok ko bigla yung dibdib niya kaya nalaglag yung sako na dala niya.
Sa pagsuntok ko ay napansin niya yung namumula kong mga kamay na halos malapit na dumugo.

Hinawakan niya yung mga kamay ko ay iniihipan pa.. Salamat malaki maitutulong niyan ha?

"Ano ang nangyari? Sinaktan ka ba nila? Sino ang nanakit sa iyo?" tanong pa niya. "Ikaw..ikaw ang may gawa neto!" sabi ko naman.
"Ako? Paano nangyari iyon, kakadating ko pa lamang" tugon niya, kaya sinuntok ko ulit siya sa dibdib niya.

"Ang sabi mo babalikan mo ako! Hindi mo naman sinabi kung gaano katagal! Dalawang araw nanaman ang lumipas..nauubusan ako lalo ng oras" Naiyak nanaman ako, Naku Tora bakit ba napaka drama mo ngayon?

"Paumanhin Pristes Tora ngunit pinilit ko lamang si Pinunong Lusyano upang mapuntahan kita ngayon. Mabuti at ako ay pinayagan niya.. Umuwi ako sandali at sinabi kay Waywaya ang nangyari sa iyo, Siya ay labis ang pag-aalala sa iyo kaya pinadala niya sa akin itong libro mo" nilabas ni Ismael yung libro sa loob ng sako at inabot sakin.

"Importante ang bagay na iyan sa iyo at hindi maaaring mawala sa iyong piling" sabi pa niya. Ewan ko ba kung bakit makikita ko itong librong ito at gusto ko yakapin. Kahit hindi ako ang nagsulat nito ay sakin binigay kaya ako na ang may-ari nito.

Sa umpisa palang ay pakiramdam ko na akin talaga to.

Habang nangangamusta si Ismael at nagkukwento ay binuklat ko ulit yung libro. Ano pa bang inaasahan ko? Eh nawala naman na lahat ng sulat sa bawat pahina dito.

Pero nagulat ako nang makita ko na may nakasulat na sa kabanata 3 at 4.
Sinabi ko kay Ismael na malakas ang kutob na lahat ng mga nangyayari sa librong ito ay nangyayari sa buhay ko.
Di ko lang maintindihan kung naiba na ba yung kwento at bakit nawala yung ibang mga kabanata.

Sinabi sakin ni Ismael na may tiwala siya sakin at hindi ako nagsisinungaling pero mahirap daw paniwalaan yung mga sinasabi ko.

Kaya binigyan ko siya ng halimbawa. Binasa ko sa harap niya yung mga nakasulat sa kabanata 1 at 2.
Lahat ng mga nangyari sa kabanata 2 ay tungkol sa lahat ng pinagdaanan ko sa mundo ng Heratalya.
Kung saan makilala ko ang isang Kawal na magiging gabay ko.

"Ako ba yung Kawal na sinasabi sa librong iyan?" tanong ni Ismael kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa. Nakatakda talaga na tumakas ako at makaharap ang Hari, buti nalang di nakasulat dito na mapapana nanaman ako..hays!
Nakalagay sa kabanata 3 na pansamantala akong makakalaya dahil tutulungan ko ang hari.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon