Sa Pagtatapos
Grigoryo? Ikaw si Grigoryo? Ito ang mga tanong ko sa sarili ko.Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko kung ano ang pangalan niya. Habang nakatulala lang ako sa kaniya ay bigla siyang napatingin din sa akin.
"Mayroon bang problema? Bakit? Ikaw.. Sino ka ba?" ang tanong niya sa akin pero wala akong masagot.
Mukhang nagtataka na siya sa mga kinikilos ko at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
"Isa ka bang Pristes?" ang tanong niya muli. "Pasensiya na ngunit kailangan ko na umalis." ang aking palusot at sabay takbo papalabas ng silid. Hindi ako makapaniwala na buhay pa siya. Kung sa bagay..
Sa istorya naman ay hindi ko naman na maalala kung ano ang nangyari sa kaniya, itinago siya ni Konswelo sa isang botelya?
Napansin ni Senada na hindi ako magkandaugaga at nababalisa, tinanong niya ako kung ano ang nangyari. Ang iniutos ko lamang ay bantayan at huwag palabasin ng Palasyo ang lalaki na nasa loob ng silid, dalhan ito ng pagkain at laging bigyan ng pansin.
Kahit hindi ako maintindihan ni Senada ay sumunod na lamang siya. Lumabas naman ako patungo sa hardin ng palasyo at huminga ng malalim.
Hindi ako makapaniwala na nakaharap ko si Grigoryo Arselana, ang Hari noon dito sa Lupain ng mga Arselana. Namatay si Reyna Salandanan dahil kay Konswelo ngunit mas pinili akong iligtas ni Grigoryo. Tinanggap niya ang alok noon ni Konswelo at pinadala nila ako sa Lupain ng mga Lapasaran.
Base sa mga naaalala ko ay hindi ko na muling nakita pa si Grigoryo, at kung hindi nagkakamali ay siya ang aking tunay.. na ama?
Ngunit malabong mangyari iyon, isa akong Gasuklay na Buwan at hindi isang karo o tao man lang. Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit ako ay nandito, sigurado lang ako na halos lahat ng mga ito ay kasalanan ko.
Muli akong nilapitan ni Senada at sinabing nagpupumilit lumabas ang lalaki sa silid. "Magtatawag na ba ako ng mga Kawal?" ang tanong sa akin ni Senada ngunit napansin ko na mayroong tumakbo sa likuran. Nagkatitigan kami ni Senada at parehas ang hinala namin.
Tumatakas si Grigoryo kaya hinabol namin siya. Naabutan namin siya sa labas kung saan hinarang siya ng mga Kawal. "Kamahalan, mayroong nagtangkang pumasok sa inyong Palasyo. At ngayo'y mukhang tatakas na ito.." ang sabi sa akin ng isang Kawal.
Napahinto si Grigoryo at dahan-dahang lumingon sa akin. Kakaiba ang naging itsura niya at lumapit siya sa amin, tinutukan siya ng sibat ng mga Kawal ngunit inawat ko sila. Tinititigan ako ng mabuti ni Grigoryo at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.
"Ikaw.. ikaw si Tora? Ikaw ang Reyna?" ang mahinang tinanong niya sa akin at napatingin naman ako kay Senada. "Paumanhin Kamahalan, dahil nasabi ko sa kaniya ang iyong pagkakakilanlan." ang bulong sa akin ni Senada. Tumayo sa harapan ko si Grigoryo at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, hanggang sa niyakap niya ako ng mahigpit.
Nais sana siyang pigilan ng mga Kawal at sumenyas ako sa kanila na ayos lang. Pero ang totoo ay hindi ito ayos..
Anong gagawin ko? Paano ako makakawala dito?
Hinaplos niya ang mga buhok ko at ang mukha ko, nakita ko ang pagkasabik sa mga kaniyang mga mata.
"Ikaw nga.. Hindi ako maaaring magkamali dahil ikaw nga, ikaw ang Prinsesa ko.. Ikaw si Tora" pagkatapos niya sabihin iyon ay inutusan ni Senada na lumayo na lamang panandalian ang mga kawal upang iwan muna kaming dalawa ni Grigoryo.
Nagtungo kaming dalawa sa hardin at grabe siya kung makatingin sa akin. "Pwede po bang huwag niyo ako titigan ng ganiyan? Ako kasi ay naiilang.." ang nahihiyang sinabi ko. "Paumanhin Reyna Tora.. Reyna ka na nga pala.. Gaano katagal ba akong nawala?" ang malungkot na sinabi ni Grigoryo. Ikinuwento ko naman sa kaniya ang mga nalalaman ko. Simula noong huli naming pagkikita hanggang sa inalis ni Konswelo ang mga emosyon ko.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...