Sa Muling Paghinto Ng Oras
Patungo kaming dalawa kay Lola Nonecita at nasa Manaoag siya ngayon, Pangasinan sila ng kaniyang pamilya. Handa akong gawin ang lahat upang siya ay aking makitang muli.. Naalala ko tuloy noong naglayas ako sa amin at labing anim na taong gulang pa lamang ako. Walang alam sa buhay at napadpad sa dulo ng pilipinas. Kung si Lola Nonecita ay nasa Pangasinan, si Lola Krisanta naman ay nasa Batanes. Kumusta na kaya silang dalawa? Hindi na ako makapaghintay na muli silang makita.Noong unang beses ako naglakbay ng ganito ay nag-iisa ako, ngunit ngayon ay may kasama na ako.
Wala na akong mahihiling pa dahil isang maginoo't mabuting tao ang kasama ko. Kagaya ng sinabi ni Senada ay nasa harapan ko na nga ang sagot na hinahanap ko. Kung pag-ibig ang tamang kasugutan, si Nathaniel lamang ang nais kong mahagkan.
Maging mabato o matarik man ang daan ay hindi na ako kinakabahan. Nasa tabi ko ngayon ang lalaking kahit sa hirap ay handa akong samahan.
Naging mahaba ang biyahe at sa wakas ay nandito na rin kami. Kailangan pa namin sumakay ng jeep at tricycle upang mapuntahan ang Poblacion Lingayen, Pangasinan. Kung saan malapit dito ang address na iniwan noon ni Lola Nonecita.. nasasabik na akong makita siya.
Pagkalipas lamang ng mahigit isang oras ay narating na namin ang address nila. Sinigurado namin at nagtanong-tanong kami sa paligid kung dito ba nakatira ang mga Castillo. At nakumpirma nga namin na ito ang bahay ni Menandro Martin Castillo, ang panganay na anak ni Lola Nonecita.
Si Nathaniel na ang pumidot sa doorbell sa tabi ng gate.. isang napaka laking gate at mayroon lumabas na isang lalaki.
"Yes? Sino po ang hanap nila?" ang tanong sa amin. "Ahh, ito po ba ang bahay ni Mr. Menandro Martin Castillo?" ang nauutal na tanong ko.
"Ako nga.. Bakit niyo ako hinahanap?" grabe.. Hindi ko ineexpect na ganito pala ang itsura ng isa sa mga anak ni Lola Nonecita. Mukhang isang kagalang-galang na nilalang, ngunit yung itsura niya ay mukhang pamilyar."Kaibigan po kami ni Lola Nonecita at matagal na po namin siyang hindi nakikita. Ang sabi niya noon bago siya umalis ay maaari namin siyang puntahan sa address na 'to." ang tugon naman ni Nathaniel at pinakita niya yung papel na hawak namin kay Sir Menandro. "Yan nga ang handwriting ni Mama, ikaw ba si Tora?" ang tanong niya sa akin at labis akong nagtaka. "Opo, paano niyo po nalaman kung ano ang pangalan ko?" ang tanong ko naman.
"Madalas ka kasing kinukuwento sa amin ni Mama.. Ikaw yung kapitbahay niya at tinuring niyang mga apo noong lumipat siya ng bahay malapit sa inyo. Halika at pumasok na kayo. By the way.. Sino pala itong kasama mo? Kaibigan mo?" pagkatapos tanungin iyon ni Sir Menandro ay nagkatitigan kami ni Nathaniel.
"Hindi po.. Boyfriend ko po siya, siya po si Nathaniel Dela Torre." hindi ko alam kung bakit napakasarap sa pakiramdam na sabihin ang mga salitang iyon. Ngayon ko lang nakitang kinilig si Nathaniel at hindi man lang niya sinubukang itago. Nakipagkamay sa kaniya si Sir Menandro at pinapasok na kami sa loob ng kanilang bahay.
Aming nakita kung gaano kalaki ang bahay nila at wala pa sa kalahati ng kalahati yung laki ng bahay ko. Hindi ko maiwasang mapanganga ay muling akong napatingin kay Nathaniel, na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin kaya kinalabit ko siya.
"Huy.. Grabe kiligin ha? Tapos na 'yon.. Kalma" ang pang-aasar ko sa kaniya at parehas kaming natawa. "Bumabanat ka na ha.. Mamaya ka sakin, aasarin din kita." ang bulong niya sa akin kaya kinurot ko yung tagiliran niya. Bigla naman akong nahiya dahil mayroong isang bata ang bumaba mula sa hagdan at natahimik kami bigla.
"Ay.. Umupo na kayo dito, huwag niyo nalang masyadong pansinin itong mga bata sa paligid. Mahilig sila maglaro lalo na kapag weekends. Hindi kasi sila sumama sa lola nila sa pagsimba." ang sabi sa amin ni Sir Menandro. "Ayos lang po 'yon.. Saan po ba nagsimba si Lola Nonecita?" ang tanong naman ni Nathaniel. Ang sinabi naman ni Sir Menandro ay nasa Manaoag Church sila ngayon kasama ang isa mga kapatid niya, at mamaya-maya lamang ay uuwi na sila.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasy"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...