☽ Kabanata XXVI ☾

120 44 5
                                    

Si Lola Nonecita


Pagkauwi ko ay agad akong dumaretso sa bahay ni Lola Nonecita, kaso mukhang wala pa siya dahil sinundo nga siya ng kaniyang anak.
Kailan kaya uuwi si Lola?

Habang hawak ko parin ang libro ko ay pumasok ako sa loob ng bahay ko, pinag-iisipan kong mabuti ang inalok sakin ni Konswelo. Dapat bang tanggapin ko ito o tanggihan? Ano ba ang gagawin ko?

Pero kahit sobra akong nalilito ay nagpapasalamat parin ako, nakabalik nga ako muli dito sa mundo ng mga tao. Hindi ko narin maintindihan kung pipilitin o pipigilan ko ba ang sarili ko para basahin na yung libro. Pero kailangan ko muna magpahinga, ipahinga ang puso at isipan ko..

Dahil kung matutuklasan ko man ang kasalanan sakin ni Roman, ay wala na itong atrasan.

Sa aking kwarto ay nakita ko ang iginuhit na larawan noong kasama ko pa sila Mama at Papa. Hindi ako makapaniwala at sila ampon lang ako, pero tama si Konswelo.. Hindi nila ako basta inampon lang, ito ba ang tadhana nila? Na hanggang sa ikalawang buhay nila bilang mga tao ay ako ang naging anak nila?

Sobrang hirap at sakit na para sakin ang parehas nilang pagkawala, pero ang malaman ang masalimuot nila nakaraan ay sobra-sobra na..

Paano ako mabubuhay sa ganito?
Lalo na at ngayon nalaman ko na ako pala ang may kasalanan. Kasalanan ko kung bakit namatay si Haring Isagani at Reyna Narda, inosente sila pero dinamay sila ni Konswelo.. at hindi iyon mangyayari kundi dahil sa akin.

Wala kang kwenta Tora! Maging tao ka man o Reyna wala kang kwenta! Hinayaan mo masaktan ang mga mahal mo sa buhay! Ngayon.. nasa peligro ang buhay nila Ismael sa Heratalya, at ikaw nanaman ang may kasalanan. Paano ko ba ito mapipigilan?

(January 02)

Nagising ako dahil sa pagvibrate ng cellphone ko, tumatawag pala si Nathaniel..

"Hello? Nathan? Bakit ka napatawag?" mahinang tanong ko at inaantok pa.
"Pasensya na ilang, nagising ba kita? Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi ka pumasok ngayon sa trabaho, dapat pala sinundo ulit kita" sagot ni Nathan. Kaya napatingin ako sa kalendaryo at huwebes na pala ngayon, may pasok ako sa coffee shop.

"Ay sorry, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi.. Tinanghali na pala ako, Masama kasi pakiramdam ko" dahil sa sinabi ko ay nagpumilit si Nathan na puntahan nalang ako, para sigurahin na ayos lang ako. Pinaliwanag ko naman sa kaniya na magiging ayos din ang lahat, kailangan ko lang magpahinga.

"Sigurado kaba? Wag ka mag-alala pagkatapos ng duty ko, pupuntahan kita agad. May kailangan kaba ipabili? Gamot o pagkain?" nag-aalalang tanong ni Nathan. "Hindi na sige, ayos lang ako.." sagot ko naman. Habang nag-uusap naman kami ni Nathan ay narinig akong nagsasalita sa tabi niya, nag e-english pa.

"Sige na, mamaya nalang tayo magkita.. Ingat ka dyan, Mahal kita aking ilang" biglang naputol ang pag-uusap namin ni Nathan ay may tumawag ulit, kaya sinagot ko naman.

"Naputol yung linya.. Wag mo din kalilimutan na Mahal na mahal din kita, ingat sa trabaho ha?" ang sabi ko naman. "Uhmm.. Yeah, I'll take care but I don't think I have a right to say.. I love you too?" nagulat ako nang ibang boses yung narinig ko, english speaking na din si Nathan? Pagkatingin ko naman sa cellphone ko kung sino yung tumawag, ay Putek! Si Fabricio pala!

"Fabricio?! Ah.. Ah, sorry. Akala ko kasi ni Nathan" nahihiyang sagot ko naman. "Haha don't worry I know.. and hey, haven't I told you to just call me Fabio? And tumawag lang naman ako kasi hindi ko sinasadyang marinig yung conversation niyo ni Nathaniel. I heard you're sick?" tanong sakin ni Fabio. "Ah yun? Hindi naman sakit agad, masama lang pakiramdam ko. Pero pahinga lang katapat neto" sagot ko naman.

Gasuklay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon