Chapter 4

819 19 0
                                    

Candice's Pov

Ito na nga araw kung saan mamaya na gaganapin ang party at pasado alas sais na ng gabi. Tinext ko na si Hiro kanina na dito na lang sa condo ko magkita para sabay na lang kaming pupunta sa party.

Pumunta ako sa banyo para maligo saka hinubad ang mga damit na suot ko at inopen ang shower. Naramdaman ko na ang lamig ng agos ng tubig na dumadaloy sa katawan ko saka pinatay ang shower para magsabon ng katawan. Nagshampoo muna ako ng buhok saka nagbanlaw pagkatapos.

Kinuha ko na ang bathrobe na kulay itim na nakasabit saka lumabas diretso sa closet para mamili ng susuutin. Pinili kong suutin ang kulay itim na backless dress na hapit na hapit sa katawan ko saka naglagay ng light make-up at ipinusod ang buhok na may kunting nakalaylay sa magkabilang gilid.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin saka sinuri kung ayos na. Perfect. Isinuot ko na ang kulay cremang 5 inches heels na galing pa sa Paris saka kinuha ang purse na kulay gray para ilagay dun ang mga importanteng bagay.

*Hiro's Calling*

"Nandito na ako" sabi niya pagkatapos kong sagutin.

"Okay" sabi ko saka inend ang tawag.

Lumabas na ako saka dumiretsong pumasok ng elevator at pinindot ang Ground Floor button. Kaagad naman akong lumabas ng bumukas ang pinto saka naglakad palabas ng condo.

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang mapahanga sa kaniya habang nakasandal sa kotse niya. He's wearing black long sleeves na nakaunbotton ang dalawang butones, gray pants and gray coat habang nakablack shoes. Bagay na bagay ito sa kaniya at aminado akong gwapo siya at malakas ang appeal.

Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ng makita ako saka nakangiting sinalubong ako. Nang nasa harapan niya na ako ay saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"Hey sexy" sabi niya saka sumipol.

"Tsk" sabi ko saka dumiretso sa side ng passenger seat para pumasok sa loob ng kotse.

Kaagad naman siyang pumasok saka umupo sa driver seat. Nagulat ako nang sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa at halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Hey, are you out of your mind?" tanong ko sa kaniya saka namalayang sinusuot niya sakin ang seatbelt. Nakita ko ring nakatingin siya sa dibdib ko habang isinusuot ang seatbelt sakin.

"I wish I can lick that again" sabi niya habang nakakagat labi saka tumingin sa akin. Kaagad ko naman siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

"Tsk bastos,magdrive ka na nga"

"Wait" sabi niya saka may kung anong kinuha sa bulsa niya. "Akin na ang kamay mo" dagdag pa niya.

"Bakit?" kaagad kong tanong.

"Basta, akin na" Itinaas ko naman ang kamay ko saka niya isinuot ang bracelet na naiwan ko sa hotel. "Let's go" sabi niya saka pinaandar ang kotse. 

◎◎◎◎◎

-AT THE PARTY-

Faulkner's Garden

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon