Candice's Pov
Nandito kami ngayon ni Hiro sa opisina niya habang kumakain. Napatingin ako sa kaniya at napansin ko na ang tamlay niya ngayon.
"May sakit kaba?"tanong ko.
Napahinto naman siya sa pagkain at tumingin sa akin. "Wala"sagot niya at nagpatuloy uli sa pagkain.
Inilapag ko ang kutsara at tinidor saka inilapat ang kamay ko sa noo niya para pakiramdaman ang temperatura niya.
"Mainit ka"sabi ko pero inalis niya lang ang kamay kong nakalapat sa noo niya.
"Don't worry, I'm fine"sabi niya sabay ngiti.
"Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain"walang emosyon kong sabi.
"Got it"sabi niya.
◎◎◎◎◎
Ilang minuto ng matapos kaming kumain. Nakaupo pa rin ako habang tinitignan siyang uminom ng gamot.
"Babe, I already take the medicine. You don't have to worry"nakangiting sabi niya.
"Sino namang nagsabi na nag-aalala ako sayo?"tanong ko sabay tinaasan siya ng kilay.
Isinandal niya ang likod niya sa backrest ng swivel chair niya saka ako nginisian."Stop pretending"sabi niya at hindi na ako nagsalita.
Nakita kong kinuha niya ang laptop na nasa gilid ng table niya saka binuksan at kinuha ko naman ang cellphone ko para maglaro ng Temple run.
"I want to ask you something and I want you to be honest"bigla niyang sabi.
Kaya pinatay ko muna ang cellphone ko at tumingin sa kaniya. "Ano yun?"
"Do you still love Haryth?"seryosong tanong niya sa akin.
"Actually, I really love him..."panimula ko.
"Okay"kaagad niyang sabi saka itinuon uli ang tingin sa laptop niya.
"Pero...nagbago ang lahat simula nung makikila ko siya"
Kaagad naman siyang napatingin sakin. "May isa pa pala"sabi niya. Napangiti ako dahil sa reaksyon niya. "Hey woman,who is he?"tanong niya pero nagkibit-balikat lang ako sa kaniya. "Tell me"may diin na sabi niya.
"Hindi ko pa masabi kung ano nga bang nararamdaman ko para sa kaniya but he's special to me"sabi ko.
"Okay, wala naman akong magagawa"sabi niya.
"Pano---"naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
"Don't talk and don't force yourself to love me back"seryoso niyang sabi. "Pero kung makikita man kitang masaya sa pinsan ko, then I will let you go. Hindi kita pipilitin"sabi niya saka itinuon na uli ang tingin sa laptop at nagsimulang magtipa ng kung ano.
'I already like him'
Hindi ko kasi matanggap na magkakagusto agad ako sa lalaking kakikilala ko pa lang ilang araw. Nangako na ako dati na hinding-hindi na ako magkakagusto sa isang lalaki pero nagbago ang lahat ng makilala ko siya.
Masaya ako kapag nandiyan siya at siguro hindi pa ito ang oras para sabihin sa kaniya.
◎◎◎◎◎
Hiro's Pov
Nandito ako sa harap ng laptop habang nagtatype ng report ko tungkol sa kondisyon ng isang pasyente.
Napapikit na lang ako sa inis dahil hindi ko magawang makapagfocus.
'Hindi ko pa masabi kung ano nga bang nararamdaman ko para sa kaniya but he's special to me'
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomansaDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin