Chapter 5

769 23 0
                                        

Candice's Pov

Nakita namin si mommy kasama ang mga kaibigan sa negosyo.

"By the way, this is my daughter Candice"pagpapakilala ni mommy sakin saka ko sila nginitian.

"She's gorgeous, just like you" sabi ng isang babaeng may edad na.

"Thank you Mrs.Cruz" sabi ni mommy.

Kasalukuyan kaming nakaupo ng balingan ko si mommy. "Mom, where's kuya?" tanong ko kay mommy.

"May pupuntahan lang raw siya na kakilala na nandito rin" sagot ni mommy na ikinatango ko lang.

"Mom, pinapasabi pala ni Mrs.Faulkner na pupunta siya dito sa table mamaya para makapag-usap kayo"

"Okay" sabi ni mommy saka nagpatuloy na sa pakikipag-usap.

Kumuha ako ng pinggan saka naglagay ng dessert. "Hey" dinig kong tawag sakin ni Hiro kaya binalingan ko siya. "May pupuntahan lang ako"sabi ni Hiro.

"Pake ko" walang emosyon kong sabi.

"Sungit" sabi niya saka tumayo. "Excuse me--tita, may pupuntahan lang po ako sandali" paalam niya kay mommy.

"Sige iho"sabi ni mommy.

Nginitian lang ni Hiro ang mga kausap ni mommy saka naglakad paalis. Kinuha ko ang kopita saka uminom ng wine para naman mawala ang pagkabored ko. Nang mailapag ko ang kopita sa mesa ay nakita ko si Mrs.Faulkner na naglalakad papunta sa gawi namin.

"Good evening Ladies" nakangiting bati ni Mrs.Faulkner.

"Good evening Mrs.Faulkner" bati naman nina mommy saka sila nagbeso-beso.

"She's your daughter pala. A beautiful lady, just like you Mrs. Debney. I wonder kung ilan ang manliligaw kahit may boyfriend na" sabi ni Mrs.Faulkner saka nanunuksong nakatingin sa akin.

"Yan nga ang sabi ko Mrs.Faulkner" masayang sabi nang isang may edad na.

"Salamat Mrs.Faulkner, marami ngang nanliligaw sa anak ko pero wala pang nobyo" sabi ni mommy. Oo nga pala, pinakilala ako ni Hiro sa kanila bilang girlfriend kaya hindi alam ni mommy.

"Oh, you didn't know yet that my nephew Hiro and your daughter are in a relationship, baka hindi pa sila handang ipaalam sayo. Sorry Candice kung nasabi ko na agad sa mommy mo" sabi ni Mrs.Faulkner saka binalingan ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang nginitian na lang si Mrs.Faulkner.

"Siguro nga Mrs.Faulkner, pero wala namang problema sakin kung sila nga"sabi ni mommy ng nakangiti saka binalingan ako. "Friend pala" sabi niya sa akin saka ibinalik ang tingin kay Mrs.Faulkner.

Tsk, hindi nga matatawag na kaibigan yun. Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa negosyo, minsan naman tinatanong ako ni Mrs.Faulkner.

Tumingin ako sa entrance ng Garden saka nakita si Clyde na may kasamang babae. Saan naman kaya niya napulot ang babaeng yan? Nakasuot si Clyde ng blue longsleeve na nakatupi ang manggas hanggang siko habang naka-cocktail dress naman na kulay gray ang kasama nitong babae.

"Hello tita" bati ni Clyde kay mommy.

"Clyde,iho" bati naman ni mommy saka sila nagbeso-beso.

"Hello tita Lea and hello po sa inyo" magalang na bati ni Clyde kay Mrs.Faulkner at sa mga kausap nito.

"Hello iho" tugon naman ng mga ito.

"Good evening po" bati naman ng kasama niyang babae.

"Tita ipapaalam ko po sana si Candice sa inyo, pupuntahan po namin ang ilan sa mga kabatch namin nung college na nandito" sabi ni Clyde kay mommy. Dahil nakakaoop at hindi ako makarelate sa pinagsasabi nila ay pabor akong sumama kay Clyde.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon