Candice's Pov
"We're here"dinig kong boses ni Hiro habang tinatapik ang braso ko. Nakita ko siyang bitbit na ang bag ko pati na rin ang bag niya. Dahan-dahan naman akong lumabas ng Van saka hinarap siya.
"Akin na ang bag ko"
"No need"sabi niya saka ibinigay sa akin ang isang gitara.
"Marunong ka?"tanong ko sa kaniya na ikinatango niya lang. Nakita ko namang nasa entrance sila kaya naglakad kami papunta sa gawi nila.
"Limang kwarto ang kinuha ko"sabi ni Mr.Faulkner. "Ma, pa sa room 17 kayo. Lisa, Fernan room 18. Kyle, Haryth, Hiro sa room 20 kayo at room 21 naman sina Sheena, Xhazaella, Candice at Jade"sabi pa ni Mi.Faulkner.
"Since 4 pm na, magpahinga muna tayo at mamayang 7 pm ang dinner natin. Enjoy"sabi naman ng lolo ni Hiro.
Nagsipuntahan na sila sa kaniya-kaniyang kwarto habang nakita ko namang bitbit ni Haryth ang bag ng girlfriend niya. Walang kibo lang ako habang naglalakad sa hallway patungo sa kwarto namin
"Malawak din naman pala ang kwarto"sabi ni Sheena ng makapasok kami sa kwarto. Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto at nakitang may apat na kama, aircon at flat screen tv.
"Magpahinga ka muna"sabi sa akin ni Hiro sabay inilapag ang bag ko sa kama. "Tara na"yaya ni Hiro kay Haryth at Kyle. Hindi ko napigilang mapatingin sa gawi nina Haryth at Xhazaella ng magyakapan ito.
"I love you"dinig kong sabi ni Xhazaella.
"Yeah, love you too"sabi naman ni Haryth sabay halik sa pisngi ni Xhazaella. Nginitian muna ako ni Hiro bago makalabas ng kwarto.
Nasa right side ng kama ko ang kama ni Sheena, nasa left side naman ang kama ng girlfriend ni Haryth habang katabi naman nito ang kama ng girlfriend ni Kyle.
"Hi"dinig kong bati ni Xhazaella.
"Hi, nice to meet you"sabi naman ng girlfriend ni Kyle. Ngumiti lang ako sa kanila saka nagsimulang ayusin ang gamit ko.
"Hello mga ate"dinig kong masayang sabi ni Sheena.
"Tulog na muna tayo"biglang sabi ni Xhazaella.
"Okay"sang-ayon naman ni Jade saka sumampa sa kama.
"May dalawang oras pa tayo para matulog"sabi ni Sheena.
"Mamaya na tayo magkwentuhan"nakangiti namang sabi ni Jade.
Sumampa na ako sa kama saka napabaling sa gawi ni Xhazaella. Nakahiga ito habang may hawak na cellphone at nakakunot ang noo nito. Inoff niya na ang phone niya saka naman ito napatingin sa gawi ko. Nginitian niya ako kaya ganun din ang ginawa ko.
◎◎◎◎◎
Hiro's Pov
Nasa kwarto na kami katabi lang ng kwarto nina Candice. Nasa gitna ang pwesto ng kama ni Haryth, nasa kaliwang bahagi naman ako habang nasa kanang bahagi naman si Kuya Kyle. Inayos muna namin ang mga gamit namin bago nagbihis ng damit.
"Who is she Kuya Kyle?"nakangisi kong tanong.
"She's Jade, my girlfriend"nakangiting sagot niya saka umupo ng kama.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin
