Candice's Pov
Nang makauwi na ako sa condo ay kaagad akong humiga sa kama at matutulog na ako kahit hindi pa nakakabihis ng damit pambahay. Pipikit na sana ako ng bigla namang tumunog ang cellphone ko.
*Unknown Calling*
Sino naman kayang kupal to? Bagot kong pinindot ang answer button saka tinapat sa tenga ko. "What do you want?" bungad na sabi ko sa kung sino mang to.
"Hey, ganyan ka ba bumati?" dinig kong sagot sa kabilang linya. Napairap ako ng wala sa oras. Yeah, siya nga ang tumatawag sa akin ngayon. Tsk, Hiro. Kanino niya naman kaya nakuha ang number ko.
"Why do you call me?At kanino mo naman nakuha ang number ko?"I asked again.
"It doesn't matter. Amber's right, ang sungit mo. Pahirapan din bago ko nakuha ang number sa kaniya" sagot niya mula sa kabilang linya.
"Kung wala ka ng sasabihin, papatayin ko na to"
"Wai--"
"Bye" sabi ko saka pinatay na ang tawag. Ano kayang naisipan niya at tinawagan ako ng ganitong oras?Tss istorbo ang kupal. Alas dose na ng madaling araw kaya ipinikit ko na ang mata ko para matulog.
◎◎◎◎◎
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng condo ko. Ikinusot ko muna ang mata ko saka bumangon. Dumiretso ako sa cr para maligo, nasanay na rin kasi akong maligo tuwing pagkagising ko sa umaga.
Pagkatapos ng limang minuto ay nagbanlaw na ko saka kinuha ang kulay pulang bathrobe na nakasabit sa pinto ng banyo. Lumabas na ako ng Cr saka binuksan ang closet para pumili ng masusuot. I decide to wear white t-shirt and black short saka kinuha ang cellphone na nasa mesa at nilagay sa bulsa ng short ko.
Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinapos ko muna ang pagtimpla ng kape bago kinuha ang cellphone sa bulsa ng short.
*Mr.Brown's Calling*
My assistant. "Hello Mr.Brown" bati ko sa kaniya.
"I want to tell you that..."
"What? what is it?" curious kong tanong saka humigop ng kape.
"He's back, Miss" sagot niya kaya napatigil ako sa paghigop ng kape.
"Who?" nagtataka kong tanong.
"You know who he is Miss Candice" dinig kong seryosong sagot niya. Dun ko na nabitawan ang tasang hawak ko ng mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya. Wala naman sa sariling napatingin ako sa basag na tasang nasa sahig.
"Are you okay Miss?" tanong niya mula sa kabilang linya.
"Y-yeah I'm o-okay"
"Okay, I have to end this call Miss. I have a lot of things to do"
"Yeah sure" tugon ko naman saka pinatay ang tawag.
Nanghihina akong napaupo saka nilagay ang dalawang siko sa mesa at napasapo sa mukha. So,your back huh, hindi ako nainform dun.
◎◎◎◎◎
Nandito ako sa kusina habang nagluluto ng adobong baboy para maging ulam sa tanghalian. Tinanggal ko muna ang apron na suot ko saka nilagay ang adobong niluto ko sa lagayan at naglagay din ng kanin sa plato. Kumuha na din ako ng kutsara at tinidor saka inilapag ito sa mesa at kumuha ng malamig na tubig sa ref.
Umupo na ako sa silya saka nagsimulang kumain. Pinili kong tumira sa condo unit na binili ko, malapit lang din kasi ito sa resort na minamanage ko. Napatingin ako sa celphone ko ng bigla itong tumunog at nakitang si Mommy ang tumatawag.
*Mom's Calling*
"Hello mommy?" bati ko sa kaniya pagkatapos kong pindutin ang answer button.
"Hello anak, how are you?" masayang tugon niya mula sa kabilang linya.
"I'm fine, how about you mommy?"
"I'm also fine, by the way anak. We're invited to the party of Faulkner's Family tomorrow at kailangang kasama ka namin ng kuya mo"
Faulkner? "Okay mom, anong oras?"
"8 pm"
"Okay, got it mom"
"Okay, I'll end this call, may gagawin pa kasi ako anak. See you tomorrow"
"Yes mom, bye"
"Bye" paalam niya saka pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga naman ako saka inisip kung anong mangyayare bukas. Kailangan kong maghanda para bukas kaya tinawagan ko kaagad si Clyde. Sigurado akong invited din sila ng pamilya niya bukas, alam mo na pag-usapang business.
"Hey" bati niya mula sa kabilang linya.
"May kasama kana bukas?" tanong ko.
"Ah yeah, I'm with Lizelle tomorrow, why?"
Clyde is my friend since college. "Nothing, okay bye" sagot ko saka pinatay ang tawag. Tsk sino naman kaya ang pwede bukas? Natapos na akong kumain ng biglang tumunog ang cellphone ko.
*Unknown Calling*
Inis kong pinindot ang answer button saka nilagay sa tapat ng tainga ko. "What do you want?"
"Hey chill" Hiro said. Oo, siya na naman ang tumatawag ngayon. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
"Kung wala kang sasabihin, papatayin ko na to"
"Wait! Nung paalis na kasi ako sa kwarto kanina sa hotel, may nakita akong bracelet. I'm sure na sayo to" sabi niya kaya naman napatingin ako sa kamay ko at wala ng nakasuot na bracelet. Lagi ko kasing suot ang bracelet na yun.
"Oh tapos?"
"Let's meet para maibigay ko to" sagot niya mula sa kabilang linya.
"Tsk whatever, saan naman?"
"I will text you the location"
Sandali, baka pwede siyang maging date ko sa party bukas. "Pwede ka ba bukas ng 8:00 pm?" tanong ko sa kaniya saka napakagat sa pang-ibabang labi.
"Yeah, wala naman akong gagawin, why?"
"Bukas may magaganap na party" panimula ko.
"And?"
"I want you to be my date tomorrow, kung ayaw mo pwede nam---" dire-diretsong sabi ko at naputol ng magsalita siya.
"Hey hey hey, wala kong sinabi na ayaw ko ah. Okay I will be your date tomorrow but in one condition"
"Okay, what is it?"
"Bukas ko sasabihin" sagot niya.
"Okay fine, whatever" sabi ko saka umirap kahit hindi niya naman nakikita.
Narinig ko pang sumigaw siya ng 'yes' sa kabilang linya. Tsk, pwede namang sabihin niya na ngayon, ang dami talagang alam ng lalaking yun.
"Okay see you" masayang sabi niya .
"Okay" sabi ko na lang saka pinatay na ang tawag. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip ng lalaking yun? Tumayo na ako saka sinimulang ligpitin ang pinagkainan ko.
Ilang taon na tayong hindi nagkita at wala na rin akong balita sayo.
○○○○○
A/N:Enjoy reading and kindly vote this chapter.Thank you.
Heyitsme_alien

BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin