Haryth's Pov
"1 beer please"order ko sa isang barista. Nandito kami ni Xhazaella sa isang minibar.
"Yes sir"sagot naman nito saka inabot ang isang bote ng beer.
Iinumin ko na sana ang beer ng bigla na lang agawin ni Xhazaella ang bote. "Hey stop, you're already drunk"dinig kong sabi niya at wala na akong nagawa kundi ang mangalumbaba.
"I s-still love her"
"Yeah I know" dinig ko namang tugon niya.
"I'm so idiot to leave her just like that. Sh*t"sabi ko saka napabuntong hininga.
"That's not your fault Haryth"
"No, it's my fault" sabi ko saka nilingon siya.
"Anong plano mo?"
"Maybe, we need to continue pretending "
"And?"
"Para hindi sila maghinala. I really want her back. " seryoso kong sabi saka ibinaling ang tingin sa mga taong nagsasayawan.
◎◎◎◎◎
Candice's Pov
Nagising na lang ako dahil sa kung sino mang humahaplos sa buhok ko kaya ng iminulat ko ang mata ko ay nakita ko si Hiro. "Good morning"nakangiting bati niya.
Bumangon naman ako sa pagkakahiga sabay upo sa kama. Iginala ko ang paningin ko at namalayang kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto. "Where are they?"
"They're already enjoying the Beach"sagot niya na ikinatango ko lang. "Bumangon kana"sabi niya kaya bumangon naman ako saka tinignan ang oras. Alas otso na ng umaga.
"Maliligo muna ako"sabi ko sa kaniya sabay kinuha ang damit sa bag at bathrobe.
"Okay"tugon niya naman kaya dumiretso na ako sa cr.
Nagmadali talaga akong maligo dahil nagugutom na rin ako. Kaya pagkalipas ng sampung minuto ay natapos na ako saka nagsimulang magdamit, gray t-shirt sa pang-taas at puting short sa pang-ibaba. Kaagad akong lumabas ng cr at naabutang nakaupo si Hiro sa kama saka napatingin sa gawi ko ng tuluyan na akong makalabas sa banyo.
"Are you done?"dinig kong tanong niya.
"Yeah, magsusuklay muna ako"sagot ko saka kinuha ang suklay sa bag ko. Nagsisimula na akong magsuklay ng biglang magsalita si Hiro.
"Come here"sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Dali na" sabi niya kaya lumapit naman ako saka tumayo sa harapan niya.
Bigla naman niya akong hinila paupo sa tabi niya sa kama at nagulat ng bigla na lang niyang kinuha ang suklay na hawak ko saka pinatalikod ako. "Hey what are you doing?"
"Tumahimik ka na lang"sagot niya saka ko naramdaman ang dahan-dahan niyang pagsuklay ng buhok ko na hanggang lagpas balikat lang ang haba.
"Are you gay?"hindi ko napigilang itanong.
"No, I'm not. Gusto mo buntisin kita?"dinig kong sabi niya.
"I'm only asking you, kung ano-ano na ang sinasabi mo diyan"sabi ko saka inagaw sa kaniya ang suklay. Tumayo na ako saka tinapos na ang pagsusuklay ng buhok.
"Then don't ask me that again. Let's go"sabi niya saka tumayo na din habang nakapamulsa.
Lumabas na nga kami saka naglakad papunta sa cottage. "Tapos na silang nag-almusal"dinig kong sabi niya.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
Roman d'amourDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin