Chapter 27

730 26 1
                                    

Candice's Pov

Tinignan ko ang cellphone ko kung may tumawag o text at nakita kong may dalawang message. Inuna kong buksan ang message ni Mr.Brown.

From:Mr.Brown

Miss Candice the resort is fine, you don't have to worry

Pagkatapos kong basahin ay isinunod ko naman ang message ni Amber.

From:Amber

Hey Candice, are you free on Sunday?

Kaagad ko naman siyang nireplyan.

To:Amber

Yeah,why?

Mga ilang minuto ng magreply siya.

From:Amber

Good,may plano kasi kaming pumunta sa resort ni Justin sa Cavite for 1 day

Wala naman akong gagawin sa Sunday, kaya okay lang.

To:Amber

Sure,sama ako

Pagkatapos kong replyan si Amber ay inilapag ko na ang phone ko sa table na malapit sa kama ko.

Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog na pero kaagad akong napamulat ng biglang tumunog ang phone ko.

Inis akong bumangon at kinuha ang phone.

*Hiro's Calling*

Nakakunot noo kong pinindot ang answer button.

"What--"naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Babe"dinig kong malalim na boses na sabi niya.

"Hmm?"

"I miss you"sabi niya mula sa kabilang linya.

"Magkasama lang tayo kanina"sabi ko.

"Yeah, pero wala kang magagawa. Namimiss talaga kita"

"Tumigil ka nga, kulang lang yan sa tulog"sabi ko.

"Siguro nga"sabi niya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago magsalita. "Good night, I love you"sabi niya at pinatay na ang tawag.

Ibinalik ko na ang phone ko sa table at nahiga.

'I love you'

'I love you'

'I love you'

Nag-eecho sa isip ko ang salitang sinabi ni Hiro kanina. Can't help not to smile and bit my lower lip. Aish maybe I'm crazy. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para matulog.

◎◎◎◎◎

Hiro's Pov

KINABUKSAN

Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa kwarto.

"Anak"dinig kong tawag ni mommy.

Bumukas ang pinto at pumasok na si mommy. Naglakad siya papalapit sa akin sabay upo sa gilid ng kama ko kaya bumangon naman ako sa pagkakahiga sa kama at umupo.

"Namumutla ka"sabi niya at inilapat ang kamay sa noo ko at pinakiramdaman. "Mainit ka,uminom kana ba ng gamot?"nag-aalala niyang tanong.

"Hindi pa po"sagot ko.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon