Chapter 10

635 20 0
                                        

Candice's Pov

"Is it because you still love him?"dinig kong tanong niya kaya kaagad ko siyang tinignan ng may pagtataka.

"What are you talking about?"

"Sinundan kita nun baka maligaw ka...at nakita kitang hinila ni Haryth papasok sa kwarto niya"sagot niya habang seryoso ang mukha. Damn!nakita niya yun? Nakatingin lang ako sa kaniya habang hindi alam ang sasabihin. "Naalala ko ang sinabi ni Amber noong binigay niya ang number mo" dagdag pa niya.

"W-what did she said?"

"Sabi niya may naging boyfriend ka noon at hindi ko inaasahang si Haryth, ang pinsan ko"sagot niya. Madaldal talaga si Amber paglasing'"Sinabi niya na rin na siguro ito na ang oras para makamove-on kana"

"Nakamove on na ako"kaagad kong sagot.

"Hindi"sabi niya kaya kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. "Gosh I'm scared hahaha" biro niya. Kung legal lang talagang pumatay, pinatay ko na to kanina pa.

"So, I will ask you again Miss Candice. Can I court you?"sabi niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Is he serious? I looked closely at his face. He has a brown eyes, thick eyebrows, long eyelashes, pointed nose and a kissable lips. "Done checking my handsome face?"biglang tanong niya habang nakangisi. Ayos na sana eh, mahangin nga lang.

"Ito lang ang masasabi ko...walang maganda sa pagmumukha mo"sabi ko sabay tingin sa harapan. Narinig ko naman siyang tumawa at hinayaan ko na lang siya hanggang sa mamatay kakatawa.

Mga ilang segundo ng tumigil na siya sa pagtawa. "Now...answer me"dinig kong sabi niya at mukha naman siyang seryoso.

"Sige"

"YES!"kaagad niyang sigaw at tatangkain sanang yakapin ako pero kaagad kong iniharang ang kamay ko sa mukha niya.

"Ganyan ba ang nanliligaw?nakakayakap na?"tanong ko saka tinaasan ng kilay.

"Sabi ko nga"sabi niya sabay kamot sa likod ng leeg niya.

◎◎◎◎◎

-KINABUKASAN-

Maaga akong pumunta dito sa resort ko. May mga nakita akong kung ano-anong dinidesign ng mga staff sa may gilid ng pool at may mga puso pang nakalagay. Tapos na ang Valentine's Day, bakit may papuso-puso pa?' Nakita kong nandun din si Haryth habang tumutulong sa pag-aayos. Ni minsan hindi siya nageffort ng ganito sa akin' Napailing kaagad ako dahil sa iniisip ko. 

Nilapitan ko sila at kitang-kita ko talagang inaayos nila ng maigi. Napatingin din ako sa gawi ni Haryth at kumuha ito ng tubig para inumin habang tagaktak ang pawis.

"Ma'am may kailangan po ba kayo?"tanong ni Zeny, isa sa mga staff ng resort ko.

"Pwede mo ba akong dalhan ng juice dito?"tanong ko dito.

"Sige po"sagot nito saka umalis. Umupo ako sa kabilang cottage saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Bigla namang nagtext si Hiro kaya kaagad ko itong inopen.

From:Hiro

Good morning, where are you?

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon