Candice's Pov
KINABUKASAN
Maaga akong nagising dahil kailangan kong maglinis ng condo ko at halos ilang araw na rin kasi nung huli kong linis. Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo ay dumiretso ako sa lagayan ng mga walis tambo at dust pan saka sinimulan na ang paglilinis. Inalis ko ang mga parte na may alikabok at inayos ang mga gamit na magulo.
Isang oras bago ako matapos kaya umupo muna ako sa sofa para magpahinga habang tagaktak ang pawis. Papikit na sana ako ng marinig ko ang biglang pagkatok mula sa pinto. Inis akong tumayo saka nagtungo hanggang sa tapat ng pinto. Kaagad ko namang binuksan ito at nagulat kung sino.
"Hi"nakangiti niyang bati. Haryth.
"What are you doing here?"tanong ko sa kaniya.
"Diba sabi ko babawi ako sayo?"patanong din niyang sabi saka naman ako tumango. "Kaya ito ako para patunayan sayo" dagdag niya at nanatili lang akong hindi umimik. "Hindi mo ba ako papapasukin?"tanong niya.
"Ah s-sige"sabi ko at iniawang ang pinto para makapasok siya. Nang makapasok siya ay kaagad ko namang isinara ang pinto. "Upo ka"sabi ko sa kaniya at umupo naman siya. Nahihiya ako sa itsura ko ngayon dahil pawis na pawis na nga ay dugyot pa.
"May gagawin ka ba ngayon?"
"Wala naman"sagot ko.
"Aayain sana kitang kumain"sabi niya. Dapat pala sinabi kong may gagawin ako, hindi na tuloy ako makatanggi.
"Ah s-sige"
Ngumiti siya sa akin saka nagsalita. "Magbihis kana"
"S-sige,sandali lang"sabi ko saka nagmadaling pumunta sa cr para maligo.
A few minutes later when I finished then choose clothes in the closet. I wear the color cream dress above the knee and blower my hair. I just put on light make-up then took my purse.
Lumabas na ako sa kwarto at nakita siyang nakaupo lang sa sofa at napatayo ng makalabas ako. "Tara?"yaya niya sakin at tumango naman ako.
Naglakad na kami palabas saka pumasok sa elevator. Mga ilang segundo ng bumukas na ito saka kami lumabas papunta na sa parking lot. Siya na mismo ang bumukas ng pinto para makapasok ako at isinara ang pinto ng makapasok na ako. Pumasok na rin siya saka inistart na ang kotse.
Habang nasa byahe bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko naman itong kinuha sa purse kong dala saka sinagot.
*Hiro's Calling*
"Hi"bati niya mula sa kabilang linya.
"What do you want?"tanong ko.
"Sungit. By the way, did you receive the bouquet?" Ah siya pala yung nagpadala sa akin kagabi.
"Yeah"sagot ko.
"Hmm, where are you?"
"You don't need to know"masungit kong sagot.
"Hahaha okay, let's eat tomorrow"sabi niya.
"Okay"sabi ko.
"Okay bye, marami pa kasi akong gagawin. See you"sabi niya.
"Okay"sabi ko naman at siya na mismo ang nagpatay ng tawag.
"Who's that?"dinig kong tanong ni Haryth.
Nilingon ko naman siya saka sumagot. "Hiro"
◎◎◎◎◎
Haryth's Pov
Naglalakad ako sa hallway ng condo unit ni Candice ng may nakita akong lalaking may hawak na isang bouquet sa tapat ng pinto. Kaagad ko naman siyang nilapitan. "May kailangan ka?"tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin
