Candice's Pov
Naramdaman ko ang halik ni Hiro sa noo ko.
"Sleep well babe"dinig kong sabi niya.
Mga ilang minuto ng maramdaman kong wala na siya sa kwato ko kaya napamulat ako.
Napabangon ako sa kama at naglakad palabas ng kwarto.Hinanap ko si Hiro sa sala at sa kusina pero wala siya.
'Tsk hindi man lang nagpaalam'
Napagdesisyunan ko na lang na magtimpla ng kape.
Habang nagtitimpla ako ng kape ng may marinig akong kumakatok sa pinto.
'Siguro si Hiro'
Pero nagtaka ako ng sunod-sunod na itong kumakatok at parang balak pa atang sirain ang pinto.
Inis kong iniwan ang tinitimpla kong kape tsaka naglakad papunta sa gawi ng pinto.
Binuksan ko ang pinto at nakita ang dalawang lalaki na nasa labas.
"May kailangan ba kayo?"walang emosyon kong tanong sa kanila pero hindi sila sumagot.
Nagulat ako ng pwersahan silang pumasok sa loob tsaka inilock ang pinto.
"Hoy pwede ko kayong kasuhan!"sigaw ko sa kanila.
Napatingin ako sa lalaki na biglang umupo sa sofa.
"Ikaw na ang bahala diyan"sabi ng lalaking nakaupo.
Tumango naman ang isang lalaki saka kaagad na lumapit sa akin.Hahawakan niya sana ang braso ko ng bigla ko itong sinuntok sa mukha.
"Matapang din pala tong babae"sabi nung sinuntok ko habang nakahawak sa mukha.
"Babae lang yan,hindi mo kaya?"inis na sabi ng isang lalaki.
"At sinong nagsabi na hindi ko kaya?!nakatsamba lang siya"inis na sabi ng lalaki sa kasamahan niya.
"Ano bang kailangan niyo?"inis kong tanong.
"Malalaman mo kung sasama ka samin"sagot ng lalaking nakaupo sa sofa.
"Pano kung ayoko?"nakangisi kong tanong.
"Bilisan mo"sabi ng lalaking nakaupo at hindi sinagot ang tanong ko.
Napatingin ako sa lalaking kaharap ko ng magtangka siyang hawakan ako sa braso.Kaya kaagad kong hinawakan ang kamay niya saka pinilipit patalikod sa akin.
Narinig ko siyang napadaing sa ginawa at saka nagmumura.
"Tsk ang dali lang pero hindi mo pa magawa.Wala ka talagang silbi"dinig kong sabi ng isang lalaki.
Hindi ko namalayan na bigla na lang may tumakip na panyo sa bibig ko.
Kaagad kong binitawan ang lalaking pinilipit ko ang kamay saka hinawakan ang kamay ng lalaking tumatakip ng panyo sa bibig ko.
Unti-unti na akong nanghihina at nanlalabo na din ang paningin ko hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyare.
◎◎◎◎◎
Hiro's Pov
Lumabas na ako ng kotse saka nagmadaling pumunta sa tapat ng malaking gate.
Kaagad naman itong binuksan ng mga lalaking nakabantay.
"Sumunod ka"sabi ng lalaki sa akin saka nagsimulang maglakad.
Sinundan ko naman siya papasok sa malaking bahay at naglakad kami hanggang sa tapat ng pinto ng isang kwarto.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin