Candice's Pov
Nakaupo ako sa kama habang hawak ang phone at hinihintay na tumawag si Sheila.
Ewan ko kung bakit kanina pa ako hindi mapakali.
'Is he have a problem?'
Napatingin ako sa phone ko ng biglang magvibrate.Inopen ko ito at nakitang may message na pinadala si Sheila.Kaagad ko itong binuksan para basahin.
From: Sheila
Ate Candice,tawagan mo si kuya
Hindi ko na nireplyan si Sheila at tinawagan na si Hiro.
*Calling Hiro*
Dalawang ring pa bago niya sagutin.
"Hello"bati niya mula sa kabilang linya.
"Tss"sabi ko.
"May sasabihin ka ba?"tanong niya.
"Wala,baka ikaw?"patanong kong sabi.
"Good night"sabi niya lang at pinatayan ako ng tawag.
Inis akong napatingin sa phone ko at tinawagan siyang muli.
*Calling Hiro*
Ilang ring na pero hindi niya pa rin sinasagot kaya napagdesisyunan ko ng itext siya.
To: Hiro
Answer my call
Tinawagan ko ulit siya pero hindi man lang talaga niya sinagot.
May nareceive akong message mula sa kaniya kaya inopen ko ito at binasa.
From: Hiro
We will talk tomorrow.Good night
Napabuntong hininga na lang ako at inoff na ang phone.
Inilapag ko sa table na malapit sa kama ko ang phone at umayos na ng higa.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagsimula ng matulog.
-KINABUKASAN-
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.
Ipinikit kong muli ang mata ko pero kaagad napamulat ng magring ang phone ko.
Inis akong bumangon sa kama at kinuha ang phone ko sa mesa.
*Hiro's Calling*
Pinindot ko ang answer button at nilagay sa tapat ng tainga ko.
"Where are you?"tanong niya mula sa kabilang linya.
"Condo,why?"
"Nothing"sagot niya at napatingin ako sa phone ko ng makita pinatayan na pala ako ng tawag.
Inis kong inoff ang phone ko at inayos na lang ang kama.
Pagkatapos ay dumiretso ako sa Cr para maghilamos at magsipilyo.
Ilang minuto ng matapos na ako,kaya lumabas na ako sa kwarto.
Papunta na sana ako sa kusina ng biglang may kumatok sa pinto.Kaya inis akong pumunta sa tapat ng pinto.
Nang buksan ko ang pinto ay si Hiro ang bumunga sa akin habang seryoso ang mukha.
Kaagad siyang pumasok at siya na mismo ang nagsara ng pinto.
Magkaharap kaming nakatayo sa tapat ng pinto habang seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"M-may kailangan k-kaba?"nauutal kong sabi at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin