Chapter 47

383 12 2
                                    

Sheena's Pov

Nandito kami ni daddy sa labas ng abadonadong gusali kasama ang mga pulis habang nasa loob ang mga magulang ni ate Candice.

"Get ready"dinig kong sabi ng chief ng mga pulis.

Nagsipaghanda naman ang mga pulis habang nasa loob ako ng kotse.

May dalawang pulis na nasa gilid ng pinto habang may dalawa namang nasa tapat ng pinto ng gusali.

"Dad"tawag ko kay dad na nasa labas.

Lumingon naman siya at nagsign na dito lang ako sa loob ng kotse saka tumingin ulit sa harap.

Napayakap ako sa sarili ng may bigla akong narinig  na tatlong sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng gusali.

Napatingin ako sa pinto at nakitang sinipa na ng pulis ang pinto saka pumasok.

May narinig pa akong sunod-sunod na putukan hanggang sa mga ilang minuto ay natigil na.

Napatingin ako sa pwesto ni dad pero wala na siya.

"Dad?"tawag ko pero walang sumasagot.

Binuksan ko ang pinto ng kotse saka lumabas.

Nakita ko ang mommy ni ate Candice na umiiyak habang pinapatahan naman ito ng asawa.

At dun ko nga nakita ang isang babae habang nakahiga sa ambulance bed.

Nakita kong puro dugo ang damit niya at hindi ko malaman kung patay na ba ito o buhay pa.

Dahan-dahan na itong isinakay sa Ambulance van.

Lumapit ako kay dad habang kausap ang pulis.

"Bakit nakatakas si Manuel?"dinig kong tanong ni dad da pulis.

"Nalaman namin na kaibigan niya pala si PO2 Palma at tinulungan itong makatakas"

"Nasaan na ang PO2 na yun?"

"Sa ngayon po ay kinakausap na siya at matatanggal siya sa serbisyo"sagot ng pulis.

"Good,para hindi na maulit ang nagyare"sabi ni dad.

"Dad"tawag ko kay dad.

Tumigil siya sa pakikipag-usap sa pulis saka tumingin sakin.

"Sino si Manuel?"tanong ko kay dad pero napabuntong hininga lang siya.

"I'll tell you later"sabi niya kaya tumango na lang ako.

Napatingin ako sa gawi ng mga magulang ni ate Candice at biglang sumigaw ang mommy ni ate Candice.

"No!hindi ka pa pwedeng mamatay!"sabi nito habang umiiyak.

Pinaghahampas nito ang taong nakatalukbong ng puting kumot habang nakahiga sa ambulance bed.

"Kailangan mo pang bayaran lahat ng ginawa mo!"sigaw na sabi pa nito.

"Honey,calm down"sabi ng asawa nito.

"Maiwan ko muna kayo"dinig kong sabi ng pulis saka umalis.

"Let's go"dinig kong sabi ni dad.

Naglakad kami papunta sa gawi ng mga magulang ni ate Candice na nasa loob na ng ambulance van.

"Liblib ang lugar na ito kaya isang oras bago marating ang hospital"sabi ni dad.

"I k-know"sabi ng mommy ni ate Candice habang umiiyak.

"Susunod kami"sabi ni dad saka isinara ang pinto.

Naglakad na kami sa gawi ng kotse saka pumasok.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon