Candice's Pov
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko habang nasa hallway kami.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Kaya hindi na ako makapagpigil at tinanong ko na si Hiro.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta"sagot lang niya.
Papunta na kami sa dulo kung saan nandun ang Emergency room.
Napatingin ako sa babaeng nakaupo habang nakaupo sa waiting area.
Bigla itong napatingin sa gawi namin ni Hiro,kaya kaagad ko itong namukhaan.
"Mom?"
Bigla siyang napatayo at gulat na napatingin sa akin saka kay Hiro.
"Hiro?"sabi ni mom.
"I'm sorry tita.But I think,you need to tell her the truth"sabi ni Hiro.
Naguguluhan akong nakatingin kay mom.
Dahan-dahang napaupo siya ulit sa upuan at napahilamos sa mukha.
Kaagad ko naman siyang nilapitan at hinaplos-haplos ang likod ng bigla siyang umiyak.
"Mom,what's going on?"tanong ko.
Tumingin siya sa akin at pinunasan ang mga luha.
"V-voriel"
"What about her?"tanong ko.
"She's your l-long lost s-sister"sabi niya at tumulo na naman ang mga luha.
"W-what?!you're lying mom"sabi ko.
"No,I'm not.R-remember that mark?"sabi niya at tinuro ang kanang balikat ko.
Umiling-iling ako at sumagot."Sabi mo nakuha ko lang to dahil pasaway ako"sagot ko.
"I l-lied,ayoko na kasing m-maalala mo ulit"
Bigla na lang akong napapikit ng may mga sceneryong lumabas sa isip ko.
Pilit kong inaaninag ang batang kaharap ko pero malabo.
Sumisigaw ito habang nagpupumiglas sa lalaking may hawak sa kaniya.
Bigla akong napamulat ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Napatingin ako sa pinto ng lumabas ang isang doktor kasama ang nurse.
Napatayo si mom saka nilapitan ang doktor.
"I'm sorry Mrs.Debney"sabi niya kay mommy.
"N-no"sabi ni mom at napasapo sa bibig saka nagsimulang umiyak.
"We do all our best--pero wala na talaga"sabi ng doktor.
"P-please doc,I'm b-begging you,do s-something"sabi ni mom habang umiiyak.
"I'm really sorry"sabi ng doctor.
Kaagad ko naman nilapitan si mom saka niyakap.
"A-anak"sabi ni mom saka niyakap din ako.
"Mom"sabi ko at hinaplos-haplos ang likod niya.
Napatingin ako sa gawi ni Hiro na nakatingin lang sakin saka ako nginitian.
"Doc!"dinig kong sigaw ng kung sino man na nasa loob ng emergency room.
◎◎◎◎◎
After 1 month,naging maayos na ang lahat.
"Anak,you're so beautiful"dinig kong sabi ni mom.
Nakita ko sila mula sa repleksyon ng salamin.
Hinarap ko na sila at nakita ang ngiti sa mga labi.
"Hindi ako makapaniwala na ang bunso ko ay ikakasal na"sabi ni dad.
"Dad naman"sabi ko saka niyakap siya.
"Inunahan mo pa ako Little sister"dinig kong sabi ni Kuya.
Humiwalay na ako mula sa pagyayakapan namin ni dad saka hinarap si Kuya.
"At sino namang nagsabi na inunahan kita,sadyang makupad ka"sabi ko sabay ngisi.
"Tss"sabi niya saka tumawa.
"Anak,payakap nga"sabi ni mom kaya hinarap ko siya saka niyakap.
"Parang mawawala naman ako kung makapagdrama kayo diyan.Ikakasal lang naman ako"sabi ko habang nakayakap kay mom.
"Syempre iba na ngayon,magkakaroon kana ng sarili mong pamilya"sabi ni mom kaya humiwalay na ako sa kaniya.
"Ako pa rin naman ang bunso niyo,right?"sabi ko at ngumiti.
"Yeah,right"sabi ni Kuya.
"O siya sige.Mauuna na kami sa simbahan at maghanda kana"sabi ni mom kaya tumango naman ako.
Nagsilabasan na silang tatlo maliban sa isa.
"Baby"tawag niya sa akin.
"Tss baby"nakanguso kong sabi.
"What?"tanong niya saka tumawa.
"Ang sagwa naman"sabi ko saka kunwareng inirapan siya.
"Yan naman ang tawag ko sayo noon,diba?"
"Yeah,pero malaki na ako"
"Okay,but still I will call you baby"sabi niya sabay ngisi.
"Voriel"may diin na sabi ko.
"Uh-huh tss,I'm your older sister.You should call me ate,duh"sabi niya saka nagcrossed arms.
Yeah,ganito siya tuwing inaasar ko siyang tawaging Voriel lang.
"Okay ate"nakangiti kong sabi.
"Good.I'm happy for you"sabi niya saka niyakap ako.
"Thank you"sagot ko.
Napahiwalay kami ng yakap sa isa't isa saka napatingin sa pinto ng may biglang kumatok.
Bumukas ang pinto saka pumasok ang babae.
"Miss Candice,nandiyan na po ang sasakyan na maghahatid sa inyo sa simbahan"sabi nito.
"Okay"sabi ko naman.
Lumapit siya sa gawi ko at hinawakan ang laylayan ng wedding gown ko habang nakaalalay naman si ate sa akin.
"Are you nervous?"tanong ni ate habang pababa kami ng hagdan.
"A little bit"sagot ko.
Habang naglalakad kami papunta sa gawi ng sasakyan ay hindi ko mapigilang maalala ang nangyare kay ate.
Dineklara na ang oras at petsa ng pagkamatay ni ate.
Habang sinasabi ng doctor na wala na talaga ay may biglang sumigaw na nurse.
Nagmadali kaming pumasok sa emergency room at nakita ko ang mga mukha ng nurse na hindi makapaniwala.
Yeah,himala nga na nabuhay si ate.
Sabi ng doctor ay huminto lang raw ng isang oras ang pagtibok ng puso ni ate.
Simula nung nakita ko siyang nakahiga sa kama,dun na lang biglang lumabas lahat ng ala-alang meron ako kasama siya.
"Pasok kana"sabi niya.
Dahan-dahan naman akong pumasok sa kotse at siya na mismo ang nagsara ng pinto.
Nakita ko pa siyang nagthumbs up bago paandarin ng driver ang kotse paalis.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasang maramdaman ang pinaghalong kaba at excitement.
○○○○○
A/N:Enjoy reading
Heyitsme_alien
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin