Candice's Pov
Unknown Calling*
Sino na naman kaya to?
"What do you want?"tanong ko sa kabilang linya saka lumabas ng elevator ng bumukas na ito. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala talagang sumasagot.
"Who are you?If it's you Hiro. This is not funny"sabi ko pero bigla ko na lang narinig na pinatay ang tawag.
Yan ang hindi ko maalis-alis sa isip ko kung sino ang tumawag kagabi habang naglalakad ako sa hallway ng condo na tinutuluyan ko. Naisip ko din na imposibleng si Hiro ang tumawag. Napailing-iling naman ako saka nagfocus na lang sa paglalaro ng temple run.
*Hiro's Calling*
Napaayos muna ako bago sagutin. "Oh?" sabi ko sa kaniya sa kabilang linya.
"Tsk"dinig kong sabi niya.
"May sasabihin ka?"
"I just want to remind you na bukas na tayo pupunta sa Boracay for 2 days"
"Yeah, I know"kaagad kong sabi.
"Good, sunduin kita ng 7 am. See you tomorrow"sabi niya.
"Ye--"naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang inend ang tawag. Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa cellphone ko saka inis na pinatong sa mesa. At kelan pa siya natututong patayan ako ng tawag?! Sa totoo lang nakalimutan ko talagang bukas na pala. Malay ko bang sabado na bukas.
Tumayo na ako saka kinuha ang backpack na itim para ilagay ang mga importanteng bagay na gagamitin ko para sa dalawang araw sa Boracay.
◎◎◎◎◎
Hiro's Pov
Nanonood ako ng tv ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha sa center table at nakitang si dad pala ang nagtext.
From:Dad
I just want to remind you na dito magkikita-kita sa bahay ng lolo mo para sabay-sabay pumunta sa Airport. 8 am ang alis. See you.
To:Dad
Yes dad.See you.
Pagkatapos kong replyan si dad ay kaagad kong dinial ang number ni Candice.
*Calling Candice*
"Oh?"sabi niya mula sa kabilang linya.
"Tsk"sabi ko. Pambihira, yan ba ang matinong sagot pag may tumawag?
"May sasabihin ka?"tanong niya.
"I just want to remind you na bukas na tayo pupunta sa Boracay for 2 days"
"Yeah, I know"
"Good, sunduin kita ng 7 am. See you tomorrow"sabi ko.
"Ye--"naputol ang sasabihin niya ng inend ko kaagad ang tawag.
"HAHAHAHAHAHAHA"hindi ko mapigilang matawa. Ang saya. Ganito pala ang pakiramdam pag hindi pa siya tapos sa sasabihin pero pinatay ko na agad ang tawag. Tumayo na ako saka pinatay ang tv at dumiretso sa kwarto ko para asukasuhin ang mga dadalhin bukas.
◎◎◎◎◎
Candice's Pov
-KINABUKASAN-
Nagising ako ng alas sais ng umaga para makapaghanda agad saka pumasok sa cr para maligo. Sinikap ko talagang bilisan ang pagligo kaya mga sampung minuto ng matapos ako. Pinili kong suutin ang floral dress, since Beach ang pupuntahan namin. Naglagay din ako ng light make up saka blinower ang buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin