Chapter 29

494 21 1
                                    

Candice's Pov

"Sorry,I'm late"sabi nito habang may dalang bag.

"Voriel,I'm glad na pumunta ka"dinig kong sabi ni Justin saka ito nilapitan para yakapin.

"Pupunta naman talaga ako"nakangiting sabi naman nito at ginantihan ng yakap.

"Voriel"tawag naman ni Yuan dito.

Nagbatian muna sila sa isa't-isa ng makita kong biglang tumayo si Hiro. "What is she doing here?"tanong ni Hiro.

"Bro,Voriel is also our friend kaya kasama din siya"sagot ni Yuan kaya wala ng nagawa si Hiro kundi ang bumalik sa pagkakaupo.

Umupo na rin si Voriel habang nasa gitna siya nina Justin at Hiro.

May nakita akong tatlong babae at dalawang lalaki na palapit dito habang may hawak na tig-isang tray ng pagkain.

"Thank you"sabi ni Justin sa mga ito ng mailapag sa mesa ang dala.

"You're welcome sir"sagot naman ng mga ito saka umalis.

"Let's eat guys"sabi ni Justin saka kami nagsimula ng kumain.

"Buti na lang hindi mo pinasara itong resort mo ngayon"sabi ni Vincent.

"Yeah, alam ko naman na mangchichix ka"tumatawang tugon ni Justin.

"Babaero ka talaga Vincent"sabat naman ni Kyla.

"I know right"sabi na lang nito.

Nagkukwentuhan at nag-aasaran pa rin sila habang kumakain kaya binalingan ko si Amber na busy sa pagkain.

"Amber"tawag pansin ko dito.

"Hmm?"

"Do you know her?"tanong ko.

Tinignan muna niya si Voriel bago sumagot. "Yeah,why?"

"Nothing"sagot ko.

"Ex siya ni Hiro"bulong niya sa akin.

"Alam ko"sabi ko.

"How?"nagtataka niyang tanong.

"Sabi ni Hiro"sagot ko saka tinignan ang gawi ni Hiro na nakakunot ang noo habang kumakain.

"Don't worry,hindi na yan babalikan ni Hiro"dinig kong sabi ni Amber.

Hindi na ako nagsalita at tinignan si Hiro na asar na asar dahil kinukulit ito ni Voriel na subuan ng pagkain.

"Amber,Candice maiwan ko muna kayo"paalam ni Kyla.

"Sure"tugon naman ni Amber. Tumayo na si Kyla saka naglakad na sa pwesto ng boyfriend niya.

"Bakit wala si Haryth?"tanong ni Xander kaya napatingin ang iba sa kaniya.

"I called him,madami raw siyang inaasikaso kaya hindi siya makakapunta"sagot ni Justin kaya napatango lang si Xander.

◎◎◎◎◎

Haryth's Pov

Busy ako ngayon sa ginagawang powerpoint presentation ko para bukas. Natigil lang ako sa pagtatype ng biglang mag-ring ang cellphone ko na nasa table.

*Justin's Calling*

"Hey bro, how are you?"bati niya mula sa kabilang linya.

"Ayos lang,ikaw?"

"I'm fine"

"Bakit ka pala napatawag?"tanong ko.

"I just want to tell you na iniimbitahan ko kayo sa resort ko ngayon,pero pinaki-usapan ako ni Hiro kung pwede huwag kana raw ayain"sabi niya saka tumawa.

"Ayos lang, busy naman ako ngayon"sabi ko.

"Nag-away ba kayo?"tanong ni Justin pero hindi ko sinagot. "Sige na bro,baka naaabala na kita"sabi niya.

"Bye"sabi ko saka pinatay na ang tawag.

Inalapag ko na ang cellphone ko sa mesa at ibinalik na uli ang tingin sa laptop. Nahinto lang ako sa pagtatype saka napasapo sa mukha ko. Bakit lagi akong walang tyansa para makabawi sayo Candice?

◎◎◎◎◎

Candice's Pov

Makalipas ang ilang oras pero nanatili pa rin kaming nasa cottage habang nagkukwentuhan.

"Anong oras balak niyong magswimming?"tanong ni Justin.

"Ngayon na siguro"sagot ni Xander.

"Sus,para makapagchix kana"tudyo ni Liam dito. Nagkibit balikat na lang si Xander saka naglakad na paalis dala ang bag niya.

"Sige guys,magbihis na tayo and enjoy"sabi ni Justin.

Nagsialisan na nga ang iba habang naiwan naman kami nina Hiro,Voriel na kausap si Yuan at si Amber na busy pa rin sa pagkain.

Biglang lumapit sa akin si Hiro habang bitbit ang bag ko saka umupo sa tabi ko. "Babe"sabi niya saka ibinigay sa akin ang bag ko.

"Thanks"sagot ko.

"Magpalit kana Candice,para makaligo na tayo"excited na sabi ni Amber at tinapos na ang pagkain.

"Sige"sabi ko.

"Siguraduhin mong matino ang isusuot mo"may himig na pagbabantang sabi ni Hiro sabay ngiti.

"Okay~"sabi ko sabay tayo.

Tumayo na din si Amber saka naglakad na kami papunta sa Cr para makapagpalit na.

"Narinig ko yung sinabi ni Hiro sayo hahaha"sabi ni Amber sa akin pero hindi ko na siya pinansin at pumasok na kami sa Cr.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle dito saka inilapag ang bag ko para kunin ang susuotin ko. Sinimulan ko ng hubarin ang suot kong crop top saka isinunod ang skirt.

Nakasuot na talaga ko ng one piece swimsuit na itim kaya sinimulan ko ng suutin ang gray kong short at puti kong t-shirt.

"Candice tapos kana ba?"dinig kong tanong ni Amber.

"Yeah"sagot ko.

Nilagay ko na ang damit ko sa bag saka lumabas ng cubicle at nakita ko naman siyang nakasuot na ng yellow swimsuit.

"Sinunod mo talaga ang sabi ni Hiro"tudyo niya sa akin.

"Tumigil ka"sabi ko saka naglakad na palabas ng Cr.

Pagkarating namin sa cottage ay naabutan naming seryosong nag-uusap sina Hiro at Voriel. Napansin lang nila kami ng tumikhim ako.

"Selos"nang-aasar na bulong sa akin ni Amber kaya sinamaan ko lang ito ng tingin.

Ibinalik ko na uli ang tingin sa kanilang dalawa at lumapit na sakin si Hiro. Nakapamalit na rin ito ng short at t-shirt na gray habang si Voriel naman ay hindi pa nakakapagpalit.

Tinignan muna niya ako mula baba pataas saka nagsalita. "Good"sabi niya.

Nakita ko namang tumayo si Voriel saka naglakad paalis.

"Mauna na ako sa pool, lovers"dinig kong paalam ni Amber.

"Sige"sabi ko.

"Babush"sabi niya sabay.

Napatingin na lang ako kay Hiro ng bigla siyang tumikhim. "Your mine"sabi niya. Bigla ko namang nararamdaman ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko saka ako hinila papunta sa pool.

○○○○○

A/N:how's the chapter 29?

Enjoy reading♡
Heyitsme_alien

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon