Chapter 35

564 17 1
                                    

Hiro's Pov

Nakakuyom ang dalawa kong kamao habang papalabas ng condo ni Candice.

Papalapit na sana ako sa kotse ko ng makita ko ang isang lalaking lasing na sinisipa ang kotse ko.

Kaya naman kaagad akong lumapit at hinila siya.

"Hoy!"sigaw niya at tinuro ako.

Nakatingin lang ako sa kaniya ng bigla siyang may hinugot na kutsilyo mula sa bulsa niya.

"Mamatay kana!"sigaw niya.

Naging alerto ako ng bigla siyang sumugod sa akin.

Buti na lang nakailag ako nang magtangka siyang sasaksakin ako sa bandang tiyan.

Napalingon ako sa dalawang guard na tumatakbo papalapit sa amin.

Nang dahil dun ay hindi kaagad ako nakaiwas ng bigla siyang sumugod ulit.

Napahawak ako sa braso ko at napadaing ng masagutan niya gamit ang kutsilyo.

Napatingin ako sa lalaking lasing na nanginginig na tinapon ang kutsilyo saka napasabunot sa buhok.

Lumapit ang isang guard sa akin.

"Nagpatawag na po kami ng pulis"tanong nito at napatingin sa braso kong may sugat.

Hindi gaanong malaki ang sugat pero tuloy-tuloy na umaagos ang dugo.

"Sir kailangan po kayong madala sa hospital para magamot"sabi pa nito.

"No need,kailangang ipakulong yan"sabi ko at tinignan ang lalaking lasing.

Hawak ito ng isang guard habang nagpupumiglas.

Mga ilang minuto ng dumating na ang mga pulis.Kaagad nitong nilapitang ang lalaking lasing saka pinosasan.

Nilapitan ako ng isang pulis.

"Sir kailangan na po kayong madala sa hospital"sabi nito.

"No need"sabi ko.

Napatingin ako sa lalaking lasing na nagsisigaw at kung ano-anong sinasabi.

"Sir tara na po sa police station,sumabay na po kayo sa amin"sabi ng pulis.

"Hindi na"sabi ko saka dumiretso sa kotse ko.

Nagsipasukan na nga sila sa sasakyan nila at inistart ang sasakyan saka pinaandar paalis.

Inistart ko na din ang kotse ko saka sumunod sa kanila.

Nahihirapan akong magdrive dahil sa sugat na nasa braso ko kaya dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ko ng kotse.

Habang nasa byahe napagdesisyunan kong tawagan si Haryth.

*Calling Cousin*

Kaagad niya namang sinagot.

"Hello"bati niya mula sa kabilang linya.

"Hello"bati ko din.

"How are you cousin?"tanong niya.

"Shut up Haryth"may diin na sabi ko.

"Huh?"tanong niya.

"You love Candice so much,right?"tanong ko.

"Yeah,why?"

"Be with her"sabi ko.

"Wait--what?"

"Sigurado akong mas sasaya siya sayo kesa sa akin"sabi ko at napabuntong hininga.

"You're wrong cousin"sabi niya.

"What do you mean?"naguguluhan kong tanong.

"Ikaw na ang mahal niya"sagot niya.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon