Hiro's Pov
Naglakad ako papunta sa gawi ni Yuan.
"Follow me"sabi niya at naglakad papasok sa isang kwarto.
Nagtataka man ako pero sumunod ako sa kaniya papasok ng kwarto.
Naabutan ko siyang kausap si Voriel.
"Thank you Yuan"dinig kong sabi ni Voriel.
"You're welcome"sabi ni Yuan.
"Hey Yuan,what's going on?"nagtatakang tanong ko.
Humarap siya sa gawi ko at naglakad palapit sa akin.
"Voriel wants to talk to you"nakangiting sabi niya at naglakad palabas.
"Voriel,what's this?"tanong ko.
Huminga muna siya ng malalim bago tumingin sa akin.
"Hiro,you know that I love you,right?"she asked.
"What kind of question is that Voriel?"naiinis kong tanong sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Hey"sabi ko at pilit inaalis ang pagkakayakap niya pero mas humigpit lang ang yakap niya.
Naramdaman ko na lang na umiiyak na siya.
"I l-love you so m-much Hiro"umiiyak niyang sabi.
"This is wrong Voriel,please stop this sh*t.You know that I already have a girlfriend"sabi ko.
Inalis niya ang pagkakayakap at tumingin sa akin ng seryoso.
"Please be m-mine a-again"sabi niya habang tumutulo ang mga luhang nagmumula sa kaniyang mga mata.
Ayokong makita siyang umiiyak ng dahil sa akin.Nasasaktan ako kapag ganito siya pero nagbago ang lahat ng yun simula ng iwan niya ako.
Hindi ako sumagot at tinignan lang siya.
"You said you love me,right?You can't live without me"sabi niya at pinunasan ang mga luhang nasa mukha.
"Yeah I love you,I can't live without you but you leave me.Sa tingin mo mamahalin pa kita pagkatapos ng ginawa mo?"may diin na sabi ko sa kaniya.
"Yeah,pinagsisihan ko na nga ang lahat diba?I was wrong Hiro"sabi niya at umiyak ulit.
"Don't cry"seryoso kong sabi.
"You c-can't stop m-me"umiiyak niyang sabi.
"Okay"sabi ko na lang.
Ilang minuto rin siyang umiyak bago siya huminto.
Mas inilapit niya ang sarili niya sa akin at hinaplos ang labi ko gamit ang hinlalaki niya.
"What are you doing Voriel?"tanong ko sa kaniya.
"Kahit ganyan ka sakin,alam ko na may puwang pa rin ako sa puso mo"she said while looking at my lips.
"Stop this Voriel"nakikiusap kong sabi at lumayo sa kaniya ng kunte.
"No"sabi niya.
Hinawakan niya ang balikat ko para magkaharap kami at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Narinig ko na lang ang tunog ng nabasag na kung ano man.
Kaagad kong itinulak ng mahina si Voriel at napatingin sa gawi ng pinto.
Napatingin ako sa basag na baso sa sahig saka tumingin kay Candice na walang ekspresyon habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin