Chapter 25

727 23 8
                                    

Candice's Pov

Pumunta na nga ako sa address ng clinic na itinext ni Hiro at habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-alala. Ano kayang nangyari sa kaniya?

Mga ilang minuto din ng marating ko na ang clinic at kaagad akong lumabas ng kotse saka naglakad papasok. Luminga-linga ako para hanapin si Hiro ngunit hindi ko siya makita.

Nang makita ko ang nurse na papalapit sa gawi ko ay kaagad ko itong kinausap. "Excuse me"tawag ko dito at kaagad naman niya akong tinignan sabay ngiti.

"Bakit po ma'am?"tanong niya.

"May pasyente ba kayong Hiro ang pangalan?"tanong ko dito.

"Hiro?" tanong niya. Wait,nakalimutan ko. Ano nga ba?Bill?Billy? "Ma'am?"tawag pansin niya sa akin kaya kaagad naman akong napatingin sa kaniya.

"B-bill--"naputol na lang ang sasabihin ko ng may isang pamilyar na boses na lang ang nagsalita.

"Billingsly"sabi nito. Napalingon naman ako sa kanang parte saka nakita si Hiro.

"Doc"dinig kong sabi nung nurse.

"Anong problema?"tanong ni Hiro dito.

"May hinahanap po kasi siyang pasyente, Hiro daw po ang pangalan"sagot ng nurse dito. Napatingin naman ako kay Hiro mula baba hanggang pataas and he's wearing a white coat.

"She's my girlfriend"nakangiti­ niyang sabi sabay lapit sakin at tumango-tango naman ang nurse. "She's beautiful,right?"tan­ong ni Hiro sa nurse kaya palihim ko siyang siniko sa tagiliran.

"Yes po Doc, bagay na bagay po kayo"nakangiting sagot naman ng nurse habang nakathumbs up pa. "Hello ma'am, I'm Jela"nakangiting pagpapakilala niya.

"Hi I'm Candice"sabi ko naman.

"Nice to meet you Miss Candice. Maiwan ko na po muna kayo, may aasikasuhin lang po akong pasyente"sabi niya at tumango naman si Hiro. Nginitian pa ako nito saka naglakad paalis.

"Next time, don't forget my surname dahil magiging apelyido mo na din yun"dinig kong seryoso niyang sabi. "Let's go"sabi niya at naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko saka ako inakay papasok sa isang kwarto.

Namalayan ko na lang na opisina niya to dahil may nakalagay na pangalan niya sa ibabaw ng mesa. Inalis niya na ang pagkakapulupot ng kamay niya sa baywang ko at inilibot ko naman ang paningin sa loob ng opisina niya.

"Sit" dinig kong sabi niya. Tumingin ako sa kaniya na nakaupo habang tinatap ang tabi niya kung saan niya ako gustong umupo kaya kaagad naman akong lumapit sa gawi niya at umupo.

"You're a doctor?"

"Yeah"simple niyang sagot.

"Hindi mo sakin sinabi"sabi ko.

"Hindi ka naman nagtanong"sabi niya sabay  ngisi.

"Yeah right"sabi ko na lang saka inilibot uli ang paningin sa opisina niya. Tatayo na sana ako ng hilahin niya ako paupo sa kandungan niya saka ko naramdaman ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko sabay yakap sakin. "H-hoy"

Nagtatangka akong umalis sa kandungan niya pero mas lalo lamang humihigpit ang pagkakapulupot niya. "Don't move"dinig kong sabi niya at hindi ako sumagot at kumalma na lang. "Do you agree?"pagkuway dinig kong tanong niya.

"Agree for what?"

"Getting married"

"Kanino?"tanong ko.

"Sa akin"kaagad niyang sagot. Narinig kong napabuntong hininga siya ng hindi na ako magsalita. "Hindi ako papayag sa kasal kung hindi ka rin papayag but--I can't wait you to be Mrs.Billingsly, my wife. I can't wait to have a baby with you"dagdag niyang sabi habang ako naman ay nanatiling tahimik. Hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon