Voriel's Pov
Nakayuko lang ako habang walang imik na nakaupo sa silya.
Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas saka pumasok ang mga magulang ni Candice.
"Nice to see you two again"dinig kong sabi ni Manuel.
"Pakawalan mo ang anak namin"sabi ng ina ni Candice saka tumingin sakin.
'A-anak?'
"What if I don't?"sabi ni Manuel saka ngumisi.
"Ano bang kailangan mo Manuel?!"galit na tanong ng ama ni Candice.
"Sa inyo wala sana,pero ng dahil sa babaeng to--nasira ang mga plano ko!"sabi ni Manuel saka dinuro-duro ako.
Bigla akong napatingin kay Manuel ng maglabas siya ng baril mula sa bulsa niya saka tinutok sa mga magulang ni Candice.
"P-please w-ag"nakikiusap kong sabi kay Manuel.
Tumingin siya sa akin saka tumawa.
"Dapat silang mamatay dahil wala naman silang kwentang mga magulang.Hindi ka man lang hinanap,diba?"sabi ni Manuel saka ngumisi.
Dahan-dahan akong napatingin sa mga magulang ni Candice.
'Yeah,hindi man lang nila ako hinanap'
"W-wala kang alam!Hinanap namin siya ng halos d-dalawang taon!"sabi ng ina ni Candice habang tuloy-tuloy na tumutulo ang mga luha.
"Bakit dalawang taon lang?"sarkasmong tanong ni Manuel.
"D-dahil pagkalipas ng dalawang taon may natagpuan kaming isang batang b-bangkay.Pinatest namin kung anak ba namin at lumabas nga na positive"lumuluhang sagot ng ina ni Candice.
"Aw nakakalungkot na pangyayare"sabi ni Manuel saka tumawa.
"Please,let them go.Ako lang ang kailangan mo,diba?"sabi ko kay Manuel.
"Sila mismo ang pumunta dito"sabi ni Manuel habang nakatingin sa mga magulang ni Candice.
Napatingin ako sa mga magulang ni Candice.
"Umalis na kayo"nakikiusap kong sabi sa kanila pero umiling lang ang ina ni Candice.
"No,h-hindi kami aalis hanggat hindi ka namin k-kasama"umiiyak na sabi ng ina ni Candice.
"Wag nga kayong magdrama sa harapan ko!"nanggigigil na sabi ni Manuel.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyare--basta bigla na lang akong tumakbo para isangga ang sarili ng biglang pihitin ni Manuel ang gatilyo ng baril.
"No!"dinig kong sigaw ng ina ni Candice.
Naramdaman ko na lang na bumagsak na ang katawan ko sa sahig.
May narinig akong sunod-sunod na putok ng baril habang nagmamadaling lumapit ang ina ni Candice.
"Anak,don't l-leave us.B-babawi pa kami sayo"dinig kong sabi ng ina ni Candice habang umiiyak.
"H-honey,call the Ambulance"
Nakita ko namang nagmamadaling umalis ang ama ni Candice.
Mga ilang minuto ng maramdaman kong isinakay na nila ako sa ambulansiya.
Nasa tabi ko ang ina ni Candice habang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay habang katabi naman nito ang asawa.
Tahimik lang na umiiyak ang ama ni Candice.
"D-don't leave us"sabi ng ina ni Candice.
"I d-don't d-deserve to be your d-daughter"nanghihinang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin