Chapter 37

561 21 3
                                    

Candice's Pov

-AT THE POLICE STATION-

Nandito kami sa opisina ng pulis habang magkakatabi kaming nakaupong tatlo.

"Napakatagal naman"dinig kong reklamo ni Sheena.

"Wala namang nagsabing sumama ka dito"dinig ko ding sabi ni Hiro.

"Hmp!"sabi ni Sheena.

Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas saka pumasok ang pulis.

Umupo ito sa harap namin habang may hawak na isang folder.

"Good day Mr.Billingsly,napag-­alaman naming may sakit siya sa pag-iisip kaya ganun ang inasta niya kanina"sabi ng pulis.

Napatingin naman ako kay Hiro na tumango-tango.

"Siya ang nawawalang lalaki sa mental hospital"sabi pa nito.

"Hindi naman siya mukhang may saltik"dinig kong sabi ni Sheena na ikinatango lang ng pulis.

"Lagi din niyang sinasabi na mamatay na raw.Ewan ko kung sino ang tinutukoy niya"sabi ng pulis.

"Okay,mas maganda sigurong ibalik na lang siya sa mental hospital"sabi ni Hiro.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya kaagad akong nagsalita.

"No,kailangan niyang makulong,paano na lang kung may saktan siya ulit"

"Yeah,pero hindi magandang nandito siya"sabi ni Hiro sa akin.

Inirapan ko na lang siya at tumayo saka naglakad palabas ng opisina.

Narinig ko pang tinawag ako ni Hiro pero nagdire-diretso na akong umalis saka pumasok sa kotse ko.

Inis kong kinuha ang phone ko saka tinext si Hiro.

To: Hiro

Uuwi na ako

Pagkatapos kong itext si Hiro ay ibinulsa ko ulit ang phone ko.

Inistart ko na ang kotse saka pinaandar paalis.

Kanina pa ako naasar sa kaniya,hindi man lang niya napapansin.

Kung makangiti dun sa dalawang chakang babae kala mo naman gwapo.Gustong-gusto din na lapitan siya ng dalawang babaeng yun.Ang kakapal ng make-up kasing kapal ng mga mukha.

'Bakit magpapapicture sa kaniya?Is he an actor?tsk'

◎◎◎◎◎

Hiro's Pov

Mga ilang minuto ng matapos kaming mag-usap ni PO1 Perez.

Nagkamayan muna kaming dalawa saka kami lumabas ni Sheena ng opisina.

"Buti naman natapos ang pagchichikahan niyong dalawa"sabi ni Sheena habang naglalakad kami palabas ng presinto.

"Sino bang nagsabing hintayin mo ako?"inis kong tanong sa kaniya.

"Hmp!magpasalamat kana nga lang kuya na may kasama ka"sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nakitang wala na ang kotse ni Candice ng makalabas na kami.

"Where is she?"tanong ko saka tinignan si Sheena.

"I don't know"sagot nito saka nagkibit-balikat.

Kinuha ko na lang ang phone ko sa bulsa para matawagan siya pero nakita kong may text siyang pinadala.

From: Babe

Uuwi na ako

Nakatayo lang si Sheena habang may kung anong pinipindot sa phone niya.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon