Chapter 11

659 24 1
                                        

Hiro's Pov

Nandito lang ako maghapon sa loob ng bahay, nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv. Umayos ako ng upo saka kinuha ang cellphone sa center table.

*Calling Candice*

"Pauwi kana?"tanong ko sa kaniya sa kabilang linya pero makalipas ang ilang segundo ay wala pa ring sagot. "Anwer m--"naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang garagal niyang tinig ng magsalita siya.

"Y-yeah,w-why?"

"Are you crying?"tanong ko saka napakunot ang noo.

"N-no, I'm not"tanggi na halata naman.

"Tsk you're lying, where are you?pupuntahan kita"

"N-nasa parking lot ng m-mall"sagot niya.

"Okay, I'll be there"sabi ko saka napabuntong hininga saka pinatay ang tawag. Kaagad ko namang pinatay ang tv saka kinuha ang susi ng kotse.

◎◎◎◎◎

Candice's Pov

From:Unknown Number

I'm always here for you

Sino naman kaya to?baka nawrong send lang. Pagkalipas ng sampung minuto ay nakita ko na si Hiro na naglalakad palapit sa kotse ko. Ibinaba ko ang bintana ng kumatok siya.

"Labas"bungad na sabi niya saka ako dahan-dahang lumabas. "Why are you crying?"nakaseryosong mukhang tanong niya.

"Bakit naman ako iiyak?"patanong ko ding sabi sabay irap.

"Kahit kelan talaga ang sungit mo" Bigla naman siyang lumapit at naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko. "Let's go"nakangiti niyang sabi saka ako inakay papasok ng mall at dumiretso sa ice cream parlor.

"Ice cream?"nagtataka kong tanong.

"Yeah. Malungkot ka diba? Maybe, this ice cream can heal your sadness" sabi niya saka ako inakay na naman paupo sa bakanteng mesa. Kaagad namang lumapit sa amin ang waitress. "Good Day ma'am, sir"nakangiti nitong bati saka ibinigay ang hawak nitong menu.

"Hmm...Maybe it's better to order Vanilla or Chocolate flavor for her, right?"tanong niya sa waitress habang nakatuon pa rin ang paningin sa menu.

"Yes sir"nakangiti namang sagot nito.

"Okay, 2 large of Vanilla and Chocolate ice cream flavor please"sabi niya saka ibinalik sa waitress ang menu.

"Is that all sir?"tanong nito at tumango lang si Hiro. "Okay sir"sabi nito saka naglakad paalis.

Napatingin ako kay Hiro ng biglang niyang ipatong ang dalawang siko sa mesa saka nangalumbaba habang nakatingin sa akin. "Ayokong nakikita kitang umiiyak"

"Anong pinagsasabi mo naman"sabi ko saka tinaasan siya ng kilay.

"Okay lang sakin na magsungit ka basta wag ka lang iiyak na parang ligaw na pusa"sabi niya.

"Hindi nga ako umiyak"

"Maraming nagkakagusto sa akin"biglang sabi niya.

"Anong connect naman dun?"

"Makikita nila, na ang isang tulad mo na uhugin at ligaw na pusa kung umiyak ay nililigawan ko hahaha"

"Oh tapos?ano namang nakakatawa dun?"pikon kong tanong sa kaniya.

"Wala naman hahaha"sagot niya lang. Mamatay ka sana kakatawa. Inalis niya na ang pagkakapatong ng siko sa mesa saka umayos ng upo ng makita paparating na ang inorder namin.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon