Chapter 24

624 21 6
                                    

Candice's Pov

Nandito lang ako nakaupo sa sala habang nakatutok na nanonood ng isang horror movie at napahiyaw na lang sa gulat ng may biglang kumatok sa pinto. Napatingin ako sa pinto habang nagdadalawa pang-isip kung bubuksan pero wala na nga akong nagawa kundi ang pagbuksan na lang ng pinto dahil palakas na ng palakas ang pagkatok nito na para bang sisirain na ang pinto.

"Tsk tagal"bungad na sabi ni Hiro at napatingin naman ako sa paper bag na hawak niya.

Kaagad naman niya akong pinatabi para makapasok at dire-diretsong umupo sa sofa. "Hoy hindi pa kita pinapapasok"sabi ko saka isinara ang pinto.

"May karapatan naman akong pumasok agad kahit hindi mo sinasabi dahil girlfriend kita" sabi niya saka nakita kong umupo sa sofa at tumabi naman ako sa kaniya. "Open it"pagkuwa'y utos na sabi niya saka itinuro ang dala niyang paper bag na nasa center table.

Kaagad ko namang sinunod ang utos niya at nakita sa loob ang limang--"Toblerone?"nagtataka kong tanong at napatingin sa kaniya.

"Sabi ng mommy mo favorite mo daw yan"nakangiti niyang sabi.

"Tsk"sabi ko saka kumuha ng isa.

"Ayaw mo?bigay ko na lang yan sa iba"sabi niya.

"Sino namang nagsabing ayaw ko?"masungit kong tanong saka naman siya nagkibit-balikat. Kaagad ko namang binuksan saka kinain.

"Sarap?"dinig kong tanong niya.

"Hindi" sagot ko saka naman siya tumawa. Sigurado kasi akong may katarantaduhan na naman siyang sasabihin. Habang kumakain nagulat na lang ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya saka ako ninakawan ng halik.

"Dapat nga ikaw ang bumabawi sa akin"sabi niya sabay sumandal sa sandalan ng sofa habang ako naman ay masamang nakatingin sa kaniya.

"Pinagsasabi mo"sabi ko sabay inilapag ang chocolates sa center table saka tinignan siya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong isinandal sa sandalan ng sofa. "H-hoy anong ginagawa mo?"kinakabahan kong tanong. Napalunok ako ng wala sa oras ng makitang nakatingin siya sa labi ko saka dahan-dahan ng inilapit ang mukha niya sakin.  Naramdaman ko na lang na nakadampi na ang labi niya sakin habang hawak niya ang magkabila kong kamay. His lips started to move so I just closed my eyes and then responded. His lips traveled behind my ear to my neck. I bit my lower lip because of what he is doing right now.

Maya-maya ay siya na mismo ang tumapos ng paghahalikan namin saka siya lumayo sa akin sabay ayos ng upo. "Ayokong makitang magkasama kayo ng pinsan ko "sabi niya saka nilingon ako. "And one more thing, I should be your only man and you're mine, got it? "

Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinoproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. "Alis na ako"nakangiti niyang sabi saka kaagad akong hinalikan sa noo. Wala sa sarili naman akong napatayo saka sumunod sa kaniya papunta sa pinto. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin. "I love you"nakangiti niyang sabi saka tuluyan ng binuksan ang pinto.

Naglakad na siya palabas saka dumiretso sa elevator at dun ko na kaagad isinara ang pinto at napasandal dito sabay hawak sa dibdib. Pinakiramdaman ko ang pintig ng puso ko at napailing na lang dahil sa bilis ng pintig nito. This can't be.

◎◎◎◎◎

KINABUKASAN

Nandito ako ngayon sa bahay namin, nakaupo kasama sina mommy at daddy. Wala si kuya dahil nasa ibang bansa para siya naman ang umasikaso ng negosyo namin dun dahil nandito si daddy.

"Kumusta naman ang relasyon niyo ni Hiro?"biglang tanong ni mommy.

"Okay naman mommy"sagot ko saka napatingin sa gawi ni daddy na seryoso lang."Dad--"naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

Everything Has Changed(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon