Candice's Pov
Nakaupo ako sa sofa habang pinapanood si Hiro na inaayos ang laruang nasira. "Dad,that's not like that"sabi ni Harren habang nakanguso.
"I can fix this"sabi ni Hiro."But--"naputol ang anumang sasabihin pa ni Harren ng magsalita si Hiro.
"Done"sabi ni Hiro sabay bigay ang kotseng laruan kay Harren.
"Thanks Dad"nakangiting sabi ni Harren."No problem son"sabi ni Hiro.
He's Harren Deivis Billingsly,our son. Halos walong taon na ang nakakalipas at pitong taon na ang anak namin.
"Mom"dinig kong sabi ni Harren habang papalapit sa akin."Hmm?"
"Mom,I'm hungry"nakanguso niyang sabi."Okay,I'll cook"sabi ko saka tumayo.
Naglakad na ako papunta sa kusina para magluto saka hinanda ang mga gagamitin para sa lulutuin ko.Napagdesisyunan kong lutuin ang paboritong ulam ni Harren na Caldereta.
Habang nagluluto ako ay naramdaman kong pumasok sa kusina sina Hiro at Harren.
"Wow,that's my favorite"dinig kong sabi ni Harren.
Napatingin ako sa gawi nila na nakaupo habang parehong nakatingin sa akin.
°°°°°
Halos ilang minuto bago ako matapos sa pagluto. Habang nilalagay ko ang ulam sa mangkok ay sila naman ang naghahanda ng mga plato,baso at kutsara saka tinidor.
"Can't wait to taste this mom"masayang sabi ni Harren ng mailapag ko na ang mangkok sa mesa.
And then,Harren lead the prayer before we start to eat.
"Let's eat"sabi ni Hiro saka kami nagsimulang kumain.
Habang kumakain,hindi ko mapigilang mapatingin sa kanilang dalawa.Hindi ko lubos na maisip na magiging ganto ang buhay ko.Kala ko wala na--pagkatapos ng mga masasamang ginawa ko dati.
Bigla kong naalala ang mga panahong manganganak na ako.
-Flashback-
Nandito ako sa kwarto kasama ang doktora at nurse na magpapaanak sakin.Nakahiga ako sa hospital bed habang nasa tabi ko naman si Hiro hawak-hawak ang kanang kamay ko.
"Okay misis push"dinig kong sabi ni doktora at sinunod ko naman ang sinabi nito habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Hiro.
"Push again misis"sabi nito kaya ginawa ko uli at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Hiro.
"You can do it"dinig kong sabi ni Hiro saka ko naramdaman ang dahan-dahang pagpunas niya ng pawis sa noo ko.
"Malapit na misis.Push!"
Mga ilang segundo,narinig ko na ang mumunting iyak ng isang sanggol.
"Congrats Mr. and Mrs.Billingsly.It's a Boy"nakangiting anunsyo ng doktora.
Kahit nanghihina ay nagawa ko pa ring ngumiti dahil sa saya sabay tingin kay Hiro.
"I love you"dinig kong sabi ni Hiro.
"I love you too"
-End of Flashback-
"Done"dinig kong masiglang sabi ni Harren saka mabilis na uminom ng tubig.
"Baby"
"Dad,I'm not a baby anymore"nakangusong sabi ni Harren.
"Yeah whatever,but still you're my baby"sabi ni Hiro saka binalingan ako.
"Hon,gusto mo bang magbakasyon sa La Union?"tanong ni Hiro.
"I love that dad.Please mom,say yes"rinig kong sabat ni Harren.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang dahil ilang buwan na rin simula nung huling family bonding namin.
"Yes!"biglang sabi ni Harren saka nakipag-apir kay Hiro.
Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin habang nasa sala na silang dalawa.
Pagkatapos kong maghugas ng mga pinagkainan ay saka ko sila sinamahan sa sala.Umupo ako sa sofa habang nakatingin sa kanilang naglalaro at nag-aasaran pa.
"I love you"bulong ni Hiro ng tumabi sa akin.
"I love you too"
Sabi niya sa akin,hindi siya magsasawang sabihin ang mga katagang yun at iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Nasabi niya na rin sa akin na nagkakilala na kami nung mga bata pa kami.Mga panahong isa din pala siya sa mga batang nakidnap at hindi ko pa malalaman kung hindi ko pa nakita ang mga litrato ko na nasa drawer niya.
Siguro kami nga talaga ang para sa isa't-isa.
Nagkakilala kami noon at mahabang panahon na ang nakakalipas pero pinagtagpo pa rin kami.Kahit kailan hinding-hindi ko pagsisihan ang mga desisyong ginawa ko.
"Mom,Dad"dinig kong tawag ni Harren saka lumapit sa amin.
"I love you Mom and Dad"sabi niya saka umupo sa pagitan namin sabay halik sa pisngi namin ni Hiro.
"I love you too"sabay na tugon namin ni Hiro.
"If you really love me mom and dad.I want a baby boy"sabi ni Harren.
"Did you hear that Hon?"tanong ni Hiro saka tumingin sakin.
"Yeah,but--I'm already three weeks pregant"anunsyo ko kaya sabay na nagsilakihan ang mata nilang dalawa.
"Really?!"sabay nilang tanong at nakangiti naman akong tumango.
"Yes!Can't wait to see you baby"masayang sabi ni Harren saka hinalikan ang tiyan ko.
"Thank you"bulong ni Hiro sabay halik sa pisngi ko.
This is Candice Sheyn Debney Billingsly. Everything has changed when I met Hiro Kyler Billingsly.
°°°°°
THE END
A/N: Hi.This is Candice Writes.Thank you for supporting this story until the end.Sa mga nakaappreciate po ng kwentong to at nagtiyagang naghintay ng ud kahit abutin man ng ilang araw,salamat.
Sa mga tumulong po sa akin na mareport ang nangopya sa wattpad,maraming salamat❤️.
-Gagawan ko ng kwento si Harren,pwede po kayong magpm sakin kung may tanong kayo o sasabihin tungkol sa kwento-

BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomanceDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin