Candice's Pov
Nadatnan namin si mommy at ang mga kausap niya kanina pero wala na dun si Mrs.Faulkner.
"Mommy, uwi na po kami" paalam ko kay mom.
"Sige anak, take care of my daughter iho"sabi ni mommy saka binalingan si Hiro.
"I will tita"nakangiting tugon naman ni Hiro.
"Bye mom, ingat din po kayo pauwi ni kuya" sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi.
"Bye po"paalam ko naman sa mga kausap ni mommy saka nagbeso-beso.
Nagsimula na kaming maglakad palabas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napahinto ako sa paglalakad pati na rin si Hiro saka ko kinuha sa loob ng purse ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
*Clyde's Calling*
Kaagad ko namang sinagot saka nilagay sa tapat ng tainga ko. "Hey,nasan ka?hinahanap ka dito" bungad na sabi ni Clyde mula sa kabilang linya.
"Pauwi na. Pakisabi na lang sa kanila na may mahalaga akong gagawin kaya kailangan ko ng umuwi ng maaga"
"Sige,sinong kasama mo?" tanong ni Clyde kaya napatingin ako kay Hiro habang nakatingin lang din sa akin.
"Don't bother to ask, basta may kasama ako"sabi ko.
"Okay,take care"sabi niya saka pinatay ang tawag. Ibinalik ko na uli ang cellphone ko sa purse ng biglang nagtanong si Hiro.
"Who's that?"
"My friend"sagot ko.
"Babae o lalaki?" tanong niya. Tinignan ko lang siya saka naglakad paalis.
"Kala ko sakin ka lang masungit"sabi ni Hiro sa akin.
"Nakakamatay ang maling akala"sabi ko habang nakasunod lang siya sakin.
Narating na nga namin ang parking lot saka binuksan ang pinto at umupo sa passenger seat. Pumasok na din si Hiro saka umupo sa driver seat.
"I forgot something" biglang sabi ni Hiro kaya napatingin ako sa kaniya.
He suddenly snapped his fingers and looked at me. "Do you still remember?"tanong niya.
"Remember what?"curious kong tanong.
"You said that I'm a gay and I want to prove you that I'm not"sabi niya saka nakangisi.
"Oh tapo---"naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong siilin ng halik.
Hanggang sa hindi ko namamalayang nasa ibabaw na pala niya ako. Nakatinted naman ang kotse niya kaya walang makakakita kung anong ginagawa namin dito sa loob ng kotse. He started to suck my neck habang nakahawak ang kamay niya sa likod ko at ang isa naman ay nasa pwetan ko.
Nang makuntento siya sa leeg ko ay saka ako siniil muli ng halik. Ibababa niya na sana ang strap ng dress ko ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse. Kaagad akong umalis sa ibabaw niya saka umupo sa passenger seat habang inaayos ang sarili.
"Istorbo"rinig kong sabi niya saka ibinaba ang bintana ng kotse. "What do you want?"tanong niya sa lalaking may edad na habang nakadungaw sa side ko.
"Hindi pa ba kayo aalis?nakaharang kasi ang kotse nyo kaya hindi ko mailabas ang kotse ko"may pagkairitang sabi nitong may edad ng lalaki.
"Okay"sabi ni Hiro at inistart ang kotse saka kaagad pinaandar paalis. "Ang sungit ng gurang na yun, parang ikaw"sabi niya kaya kaagad ko itong tinignan ng masama. Bat naman ako nadamay? Tinignan niya ako sandali saka ibinalik uli sa harapan ang tingin at biglang tumawa habang nakatuon ang tingin sa harapan.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed(Completed√)
RomansaDate Started: April 18, 2020 Date Finished: August 11, 2020 Romance Book Cover By Soil Vachitawin