Chapter 1. "The guy with a black wrist band"
The sound of the ambulance means that someone is hurt. It means that someone's life is in danger. There are two possible things that might happen because of that ambulance, one it can save lives; two, it can deliver you to your last destination.
Malalim at mabilis akong humihinga habang patuloy na pumapasok sa isip ko ang tunog, hitsura at ang nangyayari sa loob ng isang ambulansya. Nangyayari na naman at hindi ko akalain na ngayon din agad ito mangyayari.
March 15, 2019
7:41:45 AM
Car AccidentTiningnan ko ang sinulat ko sa isang sticky note. I took a deep breath as I stare at the piece of paper I am holding and a tear started to shed from my eyes.
I was on my way to school when that lady bumped into me while entering the LRT. She's wearing corporate attire and looks like working in a bank based on the logo on her uniform.
I gulped as I enter the train and look at her feeling trembled. Dapat ko bang sabihin sa kanya na mag-ingat siya sa pagtawid? Dapat ko bang sabihin sa kanya na sa ilang minuto lang ay mamamatay na siya? Pero kahit naman sabihin ko, isa lang ang alam ko.
If it is your time, it is your time.
Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died.
"I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears.
Another death. Isa na namang pagkamatay ang nakita ko. Dapat na rin bang hindi ako mag-LRT papunta sa school?
"Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"
A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?
"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled.
"You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas ihi ko." sagot ng lalaki habang mahinang natatawa.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at nabigla ako nang makakita ako ng urinal sa labas. Pag-angat ng ulo ko ay doon ko nakita ang lalaki na nakangiti sa akin.
"I guess, nagkamali ka ng restroom na pinasukan." natatawa niyang sabi.
Binuksan ko na ang pinto ng cubicle at lumabas na rito. Tiningnan ko lang ang lalaking nakatayo sa harap ko ngayon at may malapad sa ngiti sa kanyang labi. I know what he is thinking, he is obviously making fun of me by mistakenly entering the wrong restroom.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Mystery / ThrillerA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.