Chapter 6. "We're together right now"

2.1K 126 5
                                    

Chapter 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 6. "We're together right now"

Nakahalukipkip si Gavril habang seryoso ang mukha at titig na titig sa mga notes na nasa harap niya. Narito kami ngayon sa library. Niyaya niya ako na dito kami mag-usap para pagplanuhan ang gagawin namin tungkol sa mga notes. I can still feel the heavy feeling in my chest about this. Hindi pa rin ako hundred percent na agree sa gustong mangyari ni Gavril. Natatakot pa rin ako na baka, mag-iba ang lahat at mas maging malala pa.

"I didn't expect this. Ano ba 'tong pinasok ko." Bigla niyang sabi saka natawa at naiiling-iling.

"Wag mo na lang pakialaman, maybe what happened to Ms. Velarde was just a luck." Alangan kong sabi sa kanya.

"Do you believe in luck?" tanong niya na pinagtaka ko. Hindi. Hindi ako naniniwala sa luck. Mas naniniwala ako sa destiny. If one thing was destined to be that way, it will happen that way.

Hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya nang ihilera niya sa mesa ang limang notes. May sampung notes ako lahat at 'yong limang naiwan ay lima hanggang sampung taon pa bago mangyari ang kanilang mga pagkamatay pero itong limang notes na inihilera ni Gavril sa mesa ay mangyayari sa loob lamang ng dalawang buwan.

There are 7 billion in the world population. There are about 300, 000 babies born every day, and about 150, 000 people died every day. Losing five lives in two months is not actually a big deal. Dahil marami naman ang namamatay araw-araw. Kaya bakit pa ba namin kailangang tulungan sila? Kapag oras mo nang mamatay, mamamatay ka na.

"Patricia Hipolito." Nagising ako sa malalim kong pag-iisip nang magsalita si Gavril. Hawak niya ang isang note at tinitingnan ito. Nakakunot ang kanyang noo at saka malalim na napabuntong hininga.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Tiningnan niya ako saka pinakita sa akin note, and there I saw what is written on the note.

Patricia Hipolito

April 3, 2019

08:44 AM

Cardiac Arrest

"Two weeks from now." Malungkot kong sabi. Tumango-tango naman si Gavril at inalis sa harap ko ang note.

"Siya ang pinakamalapit na." aniya at tinabi sa notebook ko ang mga notes saka ako tiningnan. "We need to find her."

"Paano naman natin siya hahanapin?" tanong ko. Napaisip siya.

"Can you try to recall any information from your vision about her?" tanong niya. Natahimik ako at napaiwas ng tingin. Hindi ko kasi alam kung magagawa ko pang maalala ang mga bagay na 'yon. And besides, kaya ako gumawa ng note para hindi ko ito malimutan.

Huminga ako ng malalim at saka siya muling tiningan. "I will try." Sabi ko ay kinuha ang note na tungkol kay Patricia.

Pinagmasdan kong mabuti ang note at binasa ng paulit-ulit ang mga nakasulat hanggang sa muli kong maalala kung paano kami nagkadikit na dalawa. She's a high school student. Hinawakan niya ako noon nang ibalik niya sa akin ang nahulog kong wallet noong pauwi ako sa school. It happened last September. And based on her uniform, hindi siya sa school namin nag-aaral.

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon