Chapter 7. "The sun will shine again"
"Gavril?" bulalas ko nang pagbukas ko ng gate ay nasa labas si Gavril habang nakasakay sa bike. Parang sing ganda ng papasikat na araw ang ngiti niya.
"Good morning, Roux. Tara, sabay na tayong pumasok." Aya niya sa akin. Alangan kong pinagmasdan ulit ang bicycle na sinasakyan niya. "Hey, don't worry, I'm a good driver sweet lover." Natatawa niyang sabi.
"Saan naman ako sasakay diyan?" tanong ko sa kanya.
"Dito sa harap ko." Nakangiti niyang sagot. Mas lalo akong nag-alangan na sumabay at sumakay sa bicycle niya. Sobra naming lapit sa isa't-isa non! "Bakit? Are you still afraid? Hindi ba wala ka namang nakikitang vision about my death?" natatawa niyang sabi. "Alam mo kasi baka pinaglihi ako sa pusa, may siyam na buhay." Pahabol pa niya saka malakas na tumawa.
Tama naman siya sa sinabi niya. Pero kahit na ganoon, I am not still comfortable being near with anyone. Sa tagal kong naging mailap sa mga tao, this is just the first time na may ibang taong kumakausap sa akin at lumalapit sa akin.
"Gavril," tawag ko sa kanya na nagpahinto sa kanyang pagtawa at nagtataka akong tiningnan. Huminga ako ng malalim at taimtim siyang tiningnan. "Hindi ka ba natatakot sa akin?"
Kita ko ang pagkabigla niya sa tanong ko. Iniwas niya ang tingin sa akin na parang nag-iisip ng isasagot sa akin nang bigla siyang lumingon sa akin ng may matamis na ngiti sa labi.
"Hindi. Hindi ba magkaibigan na tayo?" masigla niyang sagot. Sa sagot niyang iyon, tila ba nakahinga ako ng maluwag at nabunutan ng tinik sa dibdib. "Sakay na male-late na tayo." Aniya at tinapik-tapik ang upuan sa may harap niya.
Sumakay na ako sa bisekleta niya pero nanlaki ang mga mata ko nang hawakan na niya ang manibela ng bisekleta dahil para siyang nakayakap sa akin mula sa likod ko. Sobrang lapit ng katawan niya sa akin to the point that I am also smelling his scent. Tumingala ako para tanawin ang mukha niya. I can see his chin, his pointed nose, his smilling eyes and his thick brows that makes him more manly.
"Papasikat na ang araw." Rinig kong sabi niya kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang papasikat na araw.
"Ang ganda." Sabi ko habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw.
"Yeah, after a long cold, gloomy and dark night, the sun will shine again and give us hope and new beginning." Napangiti ako sa sinabi niya habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw at nilalasap ang sinag nitong dumadampi sa aking balat.
Bigla siyang nag-preno kaya medyo napa-lean forward siya sa akin dahilan para mapadikit ang dibdib niya sa likod ko. Wala pa rin naman akong makita tungkol sa kanya. Pero sa nangyaring 'yon. May kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib.
Inalis ni Gavril ang kamay niya sa manebela at pinatunog ang mga buto niya sa kamay. Nangalay na ba siya?
Maya-maya pa at muli kaming umandar. Nagawi naman ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa manebela at doon ko muling napansin ang itim na wrist band ni Gavril na nakasuot sa kanyang kaliwang kamay. Naalala kong palagi niya ngang suot ang wrist band na 'yan.
BINABASA MO ANG
Dysfunctional
Mystery / ThrillerA girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's world and make it dysfunctional.