Chapter 23. "Recklessness and Sacrifices"

1K 69 12
                                    

Chapter 23

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 23. "Recklessness and Sacrifices"

"Gavril!" malakas kong sigaw habang tulala sa nasusunog na bahay. Lumabas naman ng gate ang Yaya ni Jaxon kasama siya habang ako ay naiwan na tulala sa nasusunog na bahay. Si Gavril, nasa loob pa siya!

"Hindi," sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Gavril." Humagulgol ako ng iyak, napayuko at napaluhod. Hindi maaari, bakit naging ganito?

"Roux!" mabilis akong napatingala nang marinig kong may tumawag sa akin. Pagtingin ko ay nabigla ako at nakahinga ng maluwag habang nakatingin sa kanya.

"Gavril!" sigaw ko saka tumayo. Tumakbo naman siya palapit sa akin. Puno ng dumi ang kanyang mukha.

"Hindi ko na naagapan ang apoy, mabilis itong kumalat at bago pa sumabog ay tumakbo na ako." aniya at saka ako hinila palabas ng gate.

Paglabas namin ng gate ay marami nang tao ang nasa labas at natataranta dahil sa sunog. Maya-maya pa ay may dumating nang mga firetruck at ambulance, may mga police din na dumating. The firemen started to stop the fire and the medical team asked us if we are ininjured. Mabuti na lamang at magkakalayo-layo ang mga bahay dito at hindi madaling maabot ng apoy ang iba pang bahay. Mabilis na nilamon ng apoy ang dulong parte ng bahay. Pero agad din namang napapahupa ng mga bombero at nakokontrol ang pagkalat ng apoy.

"Kuya, Gav!" napalingon kami sa tumawag kay Gavril at doon ay nakita namin si Jaxon habang mahigpit na hawak ng kanyang Yaya. Halata naman sa mukha ng Yaya ang takot at pangamba dahil sa nangyaring sunog.

Napatingin ako kay Gavril, nakangiti siya habang nakatingin kay Jaxon. "He is safe now." aniya saka tumingin sa akin at nabigla siya ng mapatingin sa akin. "Bakit? Bakit ka umiiyak?" tarantang sabi niya at tiningnan ako ng maigi. "Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

Marahan akong umiling habang nakatingin sa kanya. "Huwag mo nang gagawin 'yon." Mariing saad ko. Natahimik naman siya sa sinabi ko. "You're so reckless, what if something happened? What if you trapped inside?" sunod-sunod na sabi ko. Seryoso at tahimik lang siya nakatingin sa akin. "You—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin.

Humagulgol ako ng iyak habang nakayakap siya. "You scared me, I thought you'll be gone." I said while sobbing in tears. I heard him chuckled like he is teasing me at this moment.

"I'm sorry," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at natahimik pero kasabay ng pagtahimik ng bibig ko ay siya naman malakas na kabog ng dibdib ko. "I'm sorry for making you worried so much."

Hindi ko na nagawang magsalita pa. I know I should be mad at him, pero alam ko rin naman na nasa tamang pag-iisip siya para gawin ang bagay na 'yon. He might be careless and reckless most of the time but his intention is pure and genuine.

"Gavril," humiwalay kami sa pagkakayakap nang may tumawag sa kanya. Nang tingnan namin, ang Yaya ni Jaxon. "S-Salamat kung hindi dahil sa inyo baka nasa loob pa ng bahay si Jaxon."

DysfunctionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon